(Sa Semana Santa 2023) ‘OPLAN BIYAHENG AYOS’ MULING BINUHAY NG MIAA

MULING binuhay ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ‘OPLAN BIYAHENG AYOS” Semana Santa 2023, bilang paghahanda sa pagdagsa ng tinata­yang aabot sa 1.2 milyon pasahero sa apat na malalaking terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon Kay MIAA General Manager Cesar Chiong, bukod sa inaasaahan pagdagsa ng mga pasahero, habaan din ang pasensiya dahil sa mararanasang matinding trapik bago nakarating sa NAIA, kung kaya’t pinapayuhan ang mga bibiyahe na maging maagap upang hindi maiwan sa kani-kanilang mga flight.

Sa kabila nito, siniguro naman ang sapat na manpower, equipment at iba pang airport utilities katulad ng electricity, water, air conditioning, communication, at malasakit kits para sa mga pasahero habang nag-aantay ng kanilang pag-take off.

Nagtalaga rin ang MIAA ng assistance desk sa apat na airport upang matulungan ang mga pasaherong may problema sa kanilang flight.

Kasalukuyang nag­ki­kipag-ugnayan na ang MIAA sa iba pang sangay ng pamahalaan nang sa gayon matugunan o maisaayos ang mahabang pila lalo na Immigration counter na siyang nagiging sanhi sa problema.

Kaugnay nito, magtatalaga rin ang Bureau of Immigration (BI) at Office of the Transportation Security (OTS) mga tauhan sa lahat ng mga paliparan bilang paghahanda sa pagbulusok ng milyon mga pasahero sa apat na airport. FROILAN MORALLOS