(Sa serye ng mga operasyon) P1.482 B SHABU NASABAT NG PDEA AT PNP

Wilkins Villanueva

NASA P1.482-bilyon ang halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong anti-narcotics operations ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency katuwang ang Philipppine National Police na ikinamatay ng isang Chinese national nitong Linggo, Agosto 1 sa Quezon City, Valenzuela City at Balagtas, Bulacan.

Sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, naaresto sa pinagsanib na operasyon ng PDEA at PNP ang apat na Chinese nationals habang nasawi naman ang ika-limang suspek matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa nangyaring shootout.

Naniniwala si Villanueva na magkakaugnay ang operasyon ng naarestong Chinese citizens.

Sa operasyon sa Barangay Santol sa Balagtas, Bulacan ay napatay ang 50 anyos na si Wu Zishen at narekober ang 75 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P510 milyon at isang caliber 45 pistol.

Nakatakas naman ang isang pang Chinese national na nakilalang si Chen Hongli.

Ang ikinasang buy-bust operation sa Magsaysay Street, Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City ay nagresulta sa pagkakaaresto kina Tan, Wong, at Min kung saan, nakuha sa kanila ang humigit kumulang 127 kilo ng shabu na tinatayang nasa P863.6 milyon.

Sa ikinasang buy-bust operation naman sa harap ng China Bank Savings branch sa General Luis St, Paso de Blas, Valenzuela City naaresto si Dy at nakumpiska sa kanya ang humigit kumulang 16 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P108.8 milyon.

Kaugnay nito inihayag ni PNP chief General Guil­lermo Eleazar,base sa paunang imbestigasyon ang mga suspek ang nagpapakalat ng droga sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Aniya,patuloy ang imbestigasyon at intelligence gathering operations upang matukoy kung sino ang lider at utak ng sindikato at para mahuli ang iba pang kasama sa grupo.

Kasabay nito,pinuri ni Eleazar ang mga operatiba ng PNP at PDEA na nagkasa ng serye ng mga operasyon kontra iligal na droga.

“This is a huge blow against the illegal drug trade dahil malaki ang posibilidad na ang sindikatong ito ang isa sa mga main suppliers ng iligal na droga dito sa Kamaynilaan at mga karatig probinsiya,” anito. VERLIN RUIZ

6 thoughts on “(Sa serye ng mga operasyon) P1.482 B SHABU NASABAT NG PDEA AT PNP”

  1. 503657 711380Somebody necessarily support to make seriously articles I might state. That could be the very first time I frequented your web page and to this point? I surprised with the research you made to make this actual put up remarkable. Amazing task! 498359

Comments are closed.