(Sa Setyembre 27) ORAS NG TRABAHO SA GOV’T OFFICES PINAIKLI

PARA bigyang-daan ang pagdiriwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day’ ng sambayanang Pilipino, pinaikli ng Malakanyang ang oras ng trabaho sa bawat tanggapan ng pamahalaan sa Setyembre 27.

Sa Memorandum Circular (MC) No. 90, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Lunes, ang trabaho sa government offices sa executive branch ay isususpinde mula alas-3:30 ng hapon sa Setyembre 27, na mas maaga ng 90 minuto kumpara sa normal work day.

“However, agencies whose functions involve the delivery of basic health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the per-formance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,” nakasaad sa MC.

Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang lahat ng government workers sa executive branch sa suportahan ang Family Week Celebration na inihanda ng National Committee on the Filipino Family.

Tinawagan din niya ang iba pang sangay ng pamahalaan, independent commissions o bodies, at private sector na makiisa at payagan ang mga pamilyang Pilipino na magdiwang ng ika- 29 na National Family Week.

Ang direktibang ito ng Malakanyang ay alinsunod sa Proclamation No. 60 of 1992, na idineklara ang huling linggo ng Setyembre ng bawat taon bilang Family Week. EVELYN QUIROZ

4 thoughts on “(Sa Setyembre 27) ORAS NG TRABAHO SA GOV’T OFFICES PINAIKLI”

Comments are closed.