ZAMBALES- BILANG pag-alala sa kabayanihan ng tinaguriang fallen heroes na Special Action Forces (SAF) ng Philippine National Police (PNP) noong Enero 25, 2015 sa kamay ng terorista sa Mamasapano, Maguindanao, aarangkada ang Subic International Marathon (SIM) sa February 2025 sa Subic, Olongapo City.
Ikinagalak ni SAF Director Maj.Gen. Bernard Banac ang tema ng ultimate running adventure ay ‘I Run for My Heroes” na nagpupugay sa 44 SAF members na brutal na nasawi sa kamay ng mga terorista makaraang ma-neutralize ang Malaysian bomber na si Zulkipli bin Hir alyas Anwar.
Ayon kay Banac, ang SIM ay paggunita rin sa ika-10 anibersaryo ng SAF44 habang nagpapasalamat sila sa pagsuporta ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at maging sa organizer ng SIM na eXtribe Inc.
Sinabi ni Banac na 5,000 SAF personnel ang lalahok sa nasabing sports event.
Pinasalamatan din ni Banac ang lahat ng nagtataguyod sa SIM 2025 gayundin sina SBMA Chairman and Administrator Eduardo Alino na patuloy na nagpapatuloy sa kaniyang mga tauhan sa Subic simula 2001.
“Nagpapasalamat po ang buong hanay ng SAF sa SBMA sa pangunguna ni honorable Chairman Eduardo Jose Alino, sir sa suporta sa PNP at lalo.na sa Special Action Force na binibigyan n’yo pa rin ng opportunity na mag-station dito sa loob ng Subic, our SAF troopers have been here since 2001 providing security,” bahagi ng talumpati ni Banac sa Kick-Off launching ng SIM2025 nitong Abril 4, sa Subic Riviera Hotel and Residences sa Olongapo City.
Sinabi naman ni SIM Executive Director MGen. Samson Tucay na hindi na bago ang event dahil dati na nila itong isinasagawa.
“The ultimate running adventure returns next year, bigger and better than ever,” ayon sa pahayag ng SIM.
Itinuring naman ni Banac na inspirasyon at motivation sa mga dadalo ang nasabing tema ng nasabing sports event.
“The theme, I Run for My Heroes” captures the essence of motivation and inspiration of the participants in joining the event as every challenger has their hero who has significantly impacted their life, and every step the participant takes in this course can turn into a tribute to them,” ayon kay Banac.
Kasama sa mga sumaksi naman sa kick-off launching ng SIM2025 sina SBMA Director Raul F. Marcelo, SBMA Tourism Department Manager Mary Jamelle A. Camba at iba pang SBMA officials. EUNICE CELARIO