SA SORPRESANG DRUG TESTING: 16 DRAYBER POSITIVE

DRUG TESTING

LABING-ANIM na drayber ng public utility vehicles (PUVs)  ang nagpositibo sa isinagawang sorpresa at mandatory  drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Ang drug testing ay base sa  “Oplan Harabas” “Drug Test Muna Bago Pasada,” na sabayang ginawa ng PDEA sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay PDEA  Director General Aaron N. Aquino, lolobo pa ang nasabing bilang oras  na magpasukan na ang iba pang report  mula sa iba’t ibang lugar.

Ang  mga nagpositibo sa droga ay  sasailalim pa sa confirmatory test.

Sakaling magpositibo pa rin sila sa confirmatory test ay sususpindihin ng LTO ang kanilang drivers’ li-cense.

Ginanap ang mandatory drug testing sa iba’t ibang public transport terminals  sa buong bansa bilang bahagi ng  holistic ap-proach ng  PDEA sa kanilang harm reduction program para ma-monitor ang mga public transportation driver na nasa impluwensiya ng droga.

Sa panimulang salvo ay anim agad na drayber ang nagpositibo nang sumalang sa drug testing.

Isinagawa ng PDEA ang kanilang  pilot implementation sa Pasay City public transportation terminals na sinabayan ng lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Kabilang sa mga  terminal ang  Pasay City Jeepney Terminal, Pasay City UV and Jeepney Terminal, Mall of Asia Terminal (UV, Multicab, Jeep and Taxi), AJODA Nichols Terminal, Ninoy Aquino International Airport Terminal, kasama ang tatlong  tri-cycle terminals (DCRTODA, MATODA, and DCVTODA), at  49  terminals nationwide.

Nilalayon ng sorpresang drug testing na masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero   dahil nasa mga ka-may ng drayber ang ka-nilang kaligtasan sa pagbibiyahe.

Ang mga drayber na nasa  impluwensiya ng droga ang laging itinuturong may kasalanan sa paglobo ng road traffic accidents.

Base sa datos ng  PDEA mula Enero  2018 hanggang  Enero  2019 ay nasa 3,654 drayber, bus conductors, at  dispatchers ang naaresto sa paglabag sa RA 9165, o ang  The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa  second semester ng  2018, 1,902 ang naaresto at lumobo ito ng 37% mula sa dating 1,386 arestado sa  first semester.

Ayon pa kay Aquino ang  drug test program ay produkto ng gina­wing koordinasyon ng iba’t ibang ahensiya  ng gob­yerno ga-ya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Po-lice (PNP), Land Transportation Franchising and Reg-ulatory Board (LTFRB), Land transportation Office (LTO), Manila International Airport Authority (MIAA), Metro Manila Devel-opment Authority (MMDA), Local Government Units- Business Permit and Licensing Office (LGU-BPLO) at iba pang  stake-holders. VERLIN RUIZ

Comments are closed.