NAHIGITAN ng Pilipinas ang foreign direct investment (FDI) net inflows ng Malaysia at Thailand sa unang tatlong quarters ng 2023, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo.
Ani Rodolfo, ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, at Thailand ay nagtala ng double-digit declines sa FDI net inflows noong nakaraang taon, habang ang paglago ng Vietnam ay minimal sa 2.25 percent.
Aniya, ang 15.93-percent pagbaba sa FDI net inflows ng bansa mula January hanggang September 2023 ang pinakamababa kumpara sa neighboring countries tulad ng Indonesia, na bumaba ng 18.75 percent; Thailand, bumaba nf 50.75 percent; at Malaysia, 61.31 percent.
Sinabi ni Rodolfo, na siya ring Managing Head ng Board of Investments, na ang mas maliit na pagbaba sa FDI net inflows noong nakaraang taon ay nag-angat sa bansa sa Malaysia at Thailand
Sa unang tatlong quarters ng 2023, ang net FDI inflows ng Pilipinas ay nagkakahalaga ng USD5.88 billion, mas mataas sa USD4.99 billion ng Malaysia at sa USD4.44 billion ng Thailand.
Maliban sa Singapore, ang latest data ay naglagay sa Pilipinas bilang third highest sa net FDI inflows sa Southeast Asia, kasunod ng Vietnam sa USD15.91 billion at Indonesia sa USD16.33 billion.
“And in this context, we are saying that we are really hopeful that at the end of the President’s term, we would be the second biggest destination of FDIs in Southeast Asia,” sabi ni Rodolfo.
Idinagdag niya na ang hangarin na ito ng Marcos administration ay posible dahil sa mga investment na naakit ng bansa, lalo na sa official foreign trips ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. at sa outbound investment missions ng investment promotion agencies (IPAs), tulad ng renewable energy, mineral processing, at manufacturing. 2024 BOI target.
Sinabi ni DTI Secretary at BOI Chair Alfredo Pascual na target ng IPA ang P1.3 trillion hanggang P1.5 trillion na investment approvals sa 2024.
“Since we reached PHP1.26 trillion, at least PHP1.3 to PHP1.5 trillion (in 2024),” ani Pascual nang tanungin sa BOI target investment approvals ngayong taon.
Ang lower-end target ay 3-percent increase habang ang higher-end target ay magiging 19-percent growth mula sa buong taon na approved investments ng BOI Board na P1.26 trillion noong 2023z
Ang IPA ay kinulang ng P240 billion sa P1.5 trillion target approvals nito noong nakaraang taon. Noong una, ang BOI ay nagtakda ng target na P1 trillion para sa 2023 bago nagpasya ang ahensiya na itaas ito sa P1.5 trillion noong February 2023.