ANIMNAPU’T dalawang jobseekers ang hired on the spot (HOTS) sa una sa two-day special job fair para sa displaced workers ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) na idinaos sa SM Mall of Asia sa Pasay City, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Iniulat ni Bureau of Local Employment (BLE) Director Patrick Patriwirawan na ang 62 newly hired individuals ay kabilang sa 434 applicants sa special job fair.
“This is a 14 percent placement rate, which is about the average performance of our regular job fairs,” sabi ni Patriwirawan sa isang television interview.
Nasa 12,378 job opportunities ay inialok ng 790 employers sa job fair.
Kabilang sa mga ito ang mga sektor ng business process outsourcing, retail and sales, accommodation, food services, construction, transport, at logistics.
Ang pagdaraos ng special job fair ay alinsunod sa direktiba ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa DOLE na maghanap ng employment opportunities para sa mga mawawalan ng trabaho dahil sa ban sa POGOs.
Tinatayang 79,735 Flilipino at foreign workers ang posibleng maapektuhan ng pagsasara ng naturang mga kompanya. ULAT MULA SA PNA