(Sa Super Typhoon Karding) DEATH TOLL 11 NA, ANIM NAWAWALA

UMAKYAT na sa labing-isang katao ang inulat na nasawi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bunsod ng naganap na pananalasa ng upper Typhoon Karding sa Pilipinas.

Ayon sa NDRRMC nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi mula sa kanilang datos kahapon kung saan anim ang mula sa Bulacan na ang sanhi ay pagkalunod kabilang dito ang limang rescue team members, isa sa Zambales na dahil din sa pagkalunod at isa sa Bordeos, Quezon dahil naman sa landslide.

Kasalukuyan namang binavalidate pa ng NDRRMC ang sanhi ng pagkamatay ng tatlong indibidwal kung ito ba ay dahil sa bagyo.

Ang mga ito ay mula sa Zambales, Antipolo, Rizal at Tanay, Rizal.

Samantala may anim na inulat na nawawala ang patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Isa mula sa Antipolo, Rizal at lima naman mula sa Mercedes, Camarines, Norte.

Sa kanilang inilabas na situational report ng NDRRMC kahapon ng umaga, inihayag na mahigit 176,000 pamilya o 640,000 katao ang naapektuhan ng pananalasa ni Karding sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa at Cordillera Administrative Region.

Habang nanatili naman sa evacuation centers ang may 6,435 families o 25,177 individual .

Ang estimated cost of damage sa agrikultura ay pinangangambahan lumagpas pa sa naunang ulat na P1.29 Billion habang sa nasa P23.45 million naman sa imprastraktura. VERLIN RUIZ