(Sa susunod na 2 taon) P1-BILYONG KITA TARGET NG CIAC

ASAM ng Clark International Airport Corp. (CIAC) ang P1-billion na kita sa susunod na dalawang taon, ayon kay president and chief executive officer Arrey Perez.

Inaasahan ng CIAC na papalo ang kanilang kita sa P750 million ngayonh taon, tumaas ng 10 percent mula P680 million noong 2023.

“Our target is about PHP750 million in revenues from our own existing projects, our existing contracts. But hopefully, we’ll hit the PHP1-billion mark by 2025 or 2026,” sabi ni Perez.

Sa kasalukuyan, ang CIAC ay may 53 locators at 55 sublessees.

Ayon kay Perez, ang  CIAC ay may pitong flagship projects sa loob ng 1,441-hectare property nito sa Pampanga, na nagkakahalaga ng mahigit sa P34 billion at ipatutupad sa pagitan ng 2026 at 2028.

Ang naturang mga proyekto ay inaasahang magpapataas sa kita ng CIAC pagkatapos ng Marcos administration sa 2028. “The challenge with these joint venture projects is they have incubation period before we can earn money,” ani Perez.                     

(PNA)