MAKALILIKOM ng malaking kita ang pamahalaan mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubuwis sa mga ito.
Ayon kay Salceda, sa unang taon ay makalilikom ang gobyerno ng P15.73 billion habang sa susunod na limang taon ay puwedeng abutin ng P144.54 billion ang revenue collection dito.
Sinabi ni Salceda na mas mataas ang pinagtibay na POGO tax kumpara sa ibang tax reforms kaya nagpapasalamat siya sa ginawang paglagda rito ni Pangulong Duterte.
Matutulungan, aniya, ng batas ang POGO industry na makabangon matapos na magsilipatan ang mga ito sa Cambodia bunsod na rin ng pandemya at temporary restraining order (TRO) mula sa Supreme Court.
Sinabi ng kongresista na basta nagbabayad ng tamang buwis ang POGOs ay malayang makakapag-operate ang mga ito sa bansa.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11590 o ang Fiscal Regime for POGOs, itinatakda ang 5% na buwis sa gross gaming revenues (GGR) ng POGOs habang 25% na tax naman sa gross annual income para sa mga dayuhang empleyado na may taunang kita na P600,000.
Regular na buwis naman ang ipapataw sa mga service provider. CONDE BATAC
159523 222242You produced some decent points there. I looked on the net for any concern and located most individuals goes in addition to with all your web site. 153029
333870 363000Maintain up the fantastic piece of work, I read few posts on this internet web site and I believe that your internet blog is actually intriguing and contains lots of superb details. 130235
955280 316762I believe this internet site has some rattling great info for every person : D. 718383