INIHAYAG ni Defense Secretary Gilberto Teodoro sa pagsasara ng PH-US Balikatan 39-2024 iteration sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City na ngayon pa lang ay inaabangan na umano ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Defense Secretary Teodoro ipinarating ni Pangulong Marcos ang pagbati sa Armed Forces of the Philippines at lahat ng bumubuo at sumali sa ginanap na 2024 joint Balikatan exercise closing ceremony para sa Balikatan 39-2024 iteration at ngayon pa lang ay inaabangan na ang ihahandang full battle simulation.
“He looks forward to next year’s exercise which will be, I believe a full battle simulation which will put to the test the combined capabilities in the most realistic of scenarios possible with safety in mind, ” anang DND chief.
Bukod sa kalihim na nagpahatid ng kanyang pagbati sa lahat ng sumabak sa napakalaking joint military drill kahit sa kasagsagan ng nararanasang El Niño phenomenon ay nagpahayag ng pasasalamat din sina Armed Forces of the Philippine chief of Staff General Romeo Brawner at U.S Ambassador Marykay Carlson sa produktibong taon para sa bilateral at multilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa at Australia, Japan, France, india, Canada at iba pang like-minded nations.
“I expressed our deepest gratitude for the continuing learning and collaboration. To every soldier, airman, sailor, and marine from all the participating countries, I hope you optimized your takeaways from this year’s Balikatan exercise and utilized this in a more informative and productive Balikatan exercise in the future,” pahayag naman ni Brawner Jr.
Layunin ng katatapos na pagsasanay na subukin ang collective capability ng combined fires networks at gayundin ang mataas na interoperability ng mga kalahok na hukbo laban sa mga possible threat or target mula sa iba’t ibang lokasyon sa lupa, dagat, at maging sa himpapawid. VERIN RUIZ