MULING iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng revised guidelines sa toll expressways sa susunod na taon.
“The DOTr has the tools to address congestion on major roads but is taking time for a thorough review to ensure these solutions meet motorists’ needs,” pahayag ni Transport Secretary Jaime Bautista.
Ayon kay Bautista, ang parusa para sa paglabag sa Joint Memorandum Circular No. 2024-001 o ang Revised Guidelines for All Vehicles on Toll Expressways ay maaaring ipatupad simula sa Enero ng susunod na taon.
Ang revised toll guidelines ay nakatakda sanang ipatupad noong Agosto 31 ngunit iniurong sa Oktubre 1.
Ang joint memorandum circular ay nilagdaan ng DOTr, Toll Regulatory Board, at Land Transportation Office upang magpatupad ng cashless toll collection gamit ang Radio Frequency Identification (RFID).
Sinabi ng DOTr na susuriin ang mga impormasyon mula sa public consultation, kabilang ang mga datos sa violators, para sa posibleng amyenda sa circular.
“We will implement the program, excluding the penalties,” ani Bautista.