MAHIGPIT na binabantayan ang buong Luzon habang sinisikap ng awtoridad na makontrol ang outbreak ng African Swine Fever sa bansa.
Ang highly contagious hog disease ay unang nakaapekto sa tatlong lugar sa Luzon – Rodriguez at Antipolo sa Rizal at Guiguinto, Bulacan.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sinisikap ngayon ng mga awtoridad na mahanap ang infected pigs na binili sa isang stockyard sa Guiguinto.
“Ito na ‘yung nag-spread din sa Central Luzon,” wika ni Dar. Sa isang stockyard, may bumili rito sa mga baboy at ito ang minamanmanan natin kung saan nadala kasi ang may mga sakit na baboy galing Rodriguez.”
Sinabi ni Dar na natukoy na ng mga awtoridad ang mga lugar sa Central Luzon kung saan naitala ang abnormal pig deaths, subalit tumangging isiwalat ang mga ito.
“All hogs within a one-kilometer radius are being burned and buried. Areas within the seven-kilometer radius have been placed under quarantine to prevent possibly affected hogs from being transported elsewhere,” aniya.
Ayon naman kay Bureau of Animal Industry Director Ronnie Domingo, inatasan na ng DA ang mga regional director na magsagawa ng surveillance activities sa buong Luzon.
“Buong Luzon po ito ang aming priority. Siguro sa susunod na lingggo, ‘yung mga Visayas at Mindanao na po ang aming ipatatawag,” ani Domingo.
Aniya, ang pagpasok ng swine fever sa bansa ay maituturing na isang outbreak.
“Tayo po wala po tayong African Swine Fever disease sa Filipinas kaya ‘pag lumitaw ‘yan, at sa Rizal medyo marami po ‘yung pinatay natin doon, that can be considered as an outbreak based on the definition given by the world organization for animal health,” dagdag pa niya. CNN PHILIPPINES
Comments are closed.