DAGDAG lang ang eskuwela sa pamulat sa kabataan tungkol sa kagandahang asal.
Kailangan ay matutuhan ang GMRC bago pa pumasok ang bata sa kindergarten.
At ang mga magulang ang unang titser ng mga bata sa paghubog ng ugali ng mga anak.
Sa madaling salita, Suki, ay ipoporma muna nina itay at inay ang karakter ng kanilang anak bago ito ipasok sa kindergarten.
… Para pinuhin.
oOo
Suki, tumpak si Sec. Leonor Briones na kailangan ay paigtingin pa ng eskuwela ang pagpanday sa karakter ng kabataan.
Lalo na sa panahong tulad ngayon na maraming modernong gamit ang matinding umiimpluwensiya sa utak ng mga bata.
Sa iskul man, o maging sa kani-kanilang mga tahanan.
At lalo na, Suki, kung sila’y nasa mga pasyalan na walang mga magulang na gumagabay.
“Yung sila-sila lang na mga magbabarkada.
“Unli,” Suki ang pagkakataon na sila’y mamulat sa naiibang kaugalian na bunsod ng banyagang kultura.
Gaya ng pagrespeto sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng “po at opo.”
oOo
Hindi ako segurado, Suki, kung naisahog ni Sec. Leonor sa planong buhayin ang GMRC sa mga klasrum ang pinaghugutan ng pag-uugali ng mga mag-aaral.
Tulad ng kapaligiran ng isang bata umpisa nang siya’y inaruga hanggang sa maging limang taon para sa pagsimula ng K-12 program.
Ang isang mag-aaral ba ay pinalaki, o lumaki sa isang masalimuot na daigdig?
Siya ba’y galing sa tinatawag na “broken family,” o namulat sa magulong buhay?
Anong klaseng magulang ba ang naghubog sa kanyang karakter?
Lagi bang lasing ang kanyang ama?
Kaya naman ay palaging nasa “tong-its” ang kanyang ina, ha?
Kasi, Suki, malaki ang maitutulong sa hangad ng DepEd na mahubog ang ating kabataan sa wastong pag-uugali kung batid ng titser ang pinag-ugatan ng asal ng isang bata.
Bago pa maging ganap na inkorektibol ang kawalan niya ng tinawag ni Sec. Leonor na GMRC.
Marahil ay mahalaga ring batid nina titser kung ang isang bata ay pinalaki ng mga magulang na “palamura.”
Para siya’y maturuan ng GMRC nang may pag-unawa sa mga impluwensiya ng kanyang kapaligiran bago pa siya ipinasok sa kinder.
Kasi, isang kumplikadong isyu ang pagpanday ng GMRC ng isang bata kung isasa-alang-alang natin ang kanyang lahi at kapaligirang kinamulatan.
Lalo na, Suki, kung siya’y wala sa pag-aaruga ng kanyang tunay na magulang.
Tulad ng mga anak ng ating OFWs na napapraning kapag napasukan ng droga ang ulo.
At tunay ngang naging bahagi ng tinawag ni Presidente Duterte na isang “dysfunctional family.”
oOo
Dekada otsenta ay buhay pa ang GMRC sa eskuwela.
Mula elementarya hanggang hayskul. Napako ako sa propesyong napili ko kaya hindi ko alam kung tama akong naiwaglit na ito sa kurikulum. Panahon na marahil na puwede itong buhayin.
Noong klaro na ngayon ang kasagutan, Suki.
Comments are closed.