SA TAMANG PANAHON

Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng magandang pagkakataon sa buhay. Ang iba ay mahusay sa sports; ang iba naman ay mahusay sa academics; samantalang ang iba ay walang ganyang kakayahan.

Hindi dahil nagkulang sila o hindi nagpunyagi — ngunit dahil may mga kailangan silang unahin upang maka-survive. Kailangang isantabi ang panandaliang saya at magtrabahong mabuti upang magkaroon ng pagkain sa mesa ng pamilya.

Iyan ang dahilan kung bakit lubos kong hinahangaan ang mga taong patuloy na nag-aral kahit matanda na. Nagsisikap silang habulin ang pa­ngarap na minsan nilang pinakawalan dahil inuna nila ang responsibilidad na kung minsan ay hindi naman nila dapat binata.

Dinadakila ko at sinasaluduhan ang mga taong nakakaunawa, gumagabay at tumutulong sa kanila upang sa pagkakataong ito, matapos ang kanilang pagsasakripisyo para sa mga taong kanilang pinahahalagahan, ay sarili naman ang itaas upang ma­ging best version of themselves.

Hindi pare-pareho ang pagkakataong ibinibigay sa bawat tao. Kung may nakita kang taong nagpunyagi, maging mabuti sa kanila. Igalang sila at una­wain, dahil higit sa lahat, iyan ang kanilang kaila­ngan. At tandaang ganyan din ang gusto nating ma­ging pagtrato sa atin ng sinoman. Lahat ng bagay at ibinibigay sa atin ng Panginoon sa tamang panahon.

Dondie ‘Maestro’ Tamboong