(Sa tax perks ng mga piling kompanya) P482-B KITA NAWALA SA GOV’T

Carlos Dominguez III

UMABOT sa P481.7 billion ang nawalang kita sa pamahalaan sa taong 2019 pa lamang dahil sa fiscal incentives na tina-masa ng mga pinaborang kompanya.

“This substantial amount already represents a decrease from the PHP518.7 billion in tax perks given away by the government in 2018 through the various investment promotion agencies (IPAs) and through fiscal incentives granted to cooperatives,” ayon sa report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III,

Kasunod ng pagpapatupad ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law noong nakaraang  Marso ay umaasa ang Department of Finance (DOF) na ang fiscal at non-fiscal incentives sa hinaharap ay rationalized upang matiyak na ang mga ito “performance-based, targeted, time-bound, at transparent.”

Sa report ng DOF-Domestic Finance Group (DFG), sa P481.7 billion na halaga ng insentibo na ipinagkaloob sa piling grupo ng mga korporasyon noong 2019, P149.28 billion o halos one-third ng kabuuan ay sa pamamagitan ng income tax incentives.

Sa DOF executive committee (Execom) meeting kamakailan, sinabi ni Assistant Secretary Ma. Teresa Habitan ng DFG na  kabilang dito ang income tax holiday (ITH) na nagkakahalagang P68.4 billion (14.2 percent); special income tax rate para sa IPA-registered enterprises, P66.41 billion (13.8 percent); at income tax incentives para sa mga kooperatiba na nagka-kahalagang P14.47 billion (3 percent).

“The incentives for the value-added tax (VAT) accounted for PHP283.45 billion (58.8 percent) of the incentives; exemptions from customs duties, PHP47.59 billion (9.88 percent) and the percentage tax incentive availed by cooperatives, PHP1.38 billion (0.29 percent),” dagdag pa niya.

Ang DOF study ay isinagawa sa 11,431 enterprises na naghain ng kanilang tax returns, kung saan 5,749 ang IPA-registered firms at 5,682 ang cooperatives.

Sa mga nag-avail ng income tax incentives, 3,083 ang IPA-registered companies at 4,371 ang cooperatives,

May kabuuan itong 7,454 o 57.5 percent ng 11,431 enterprises na pinagkalooban ng income tax perks, ayon pa kay Habitan.

Ang IPAs ay kinabibilangan ng Board of Investments (BOI), Regional Board of Investments – Autonomous Region in Muslim Mindanao (RBOI-ARMM), Philippine Economic Zone Authority (PEZA), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Clark Development Corporation (CDC), Poro Point Management Corporation (PPMC), Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Zamboanga City Special Economic Zone Authority (ZCSEZA), Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Para sa 2019, ang manufacturing sector ang tumanggap ng pinakamalaking share sa 66.7 percent ng kabuuang tax incentives na nagkakahalaga ng P321.3 billion.

Ang services at energy sectors ay binigyan ng P114.8 billion (23.83 percent) at P23.36 billion (5.47 percent) na insentibo, ayon sa pagkakasunod.

“Tax perks for the other sectors, such as agriculture and fisheries, amounted to PHP19.24 billion or 3.99 percent of the total tax expenditures for 2019,“ dagdag pa ni Habitan.

Ang mga nawalang kita mula sa tax incentives ay base sa perks na ipinagkaloob sa registered enterprises bago ang pagpapatupad sa CREATE law. PNA

3 thoughts on “(Sa tax perks ng mga piling kompanya) P482-B KITA NAWALA SA GOV’T”

Comments are closed.