ANO kaya ang masasabi ni Daniel Padilla sa article na ito. ‘Hello, Love, Goodbye,’ (HLG) the only local film to land in Google PH’s Top 10 Trending Search for Movies.
Inamin ni DJ na tinanggihan niya ang HLG nang i-offer ito sa kanya ng Star Cinema. Ngayon, ang nasabing pelikula ay ang natatanging local movie na pasok sa Google Top 10 Search for Movies.
Pumangalawa ang ‘Hello, Love Goodbye’ sa number one na ‘Avengers Endgame.’
Number 3 ang ‘Captain Marvel’ na sinundan ng ‘John Wick 3,’ then ‘Bird Box,’ ‘Frozen 2,’ ‘Alladin,’ ‘Weathering With You,’ ‘Aquaman’ at number 10 naman ang ‘Alita Battle Angel.’
Bumaha ng magagandang komento ang movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
“Yan ang totoong blockbuster ‘di lang pang socmed. Congrats, team HLG!
“Very deserving naman kasi, maganda ‘yung movie and waiting for part 2, Joy and Ethan. Much better loveteam than Kathniel.
“Congrats! Eto ‘yung movie na napanood ko rito sa North America na talagang pinilahan. Unexpected kasi new tandem. Nagulat kami sa feed-back ng viewers. And to think hindi naman sila popular LT or a CGM-JLC movie na napapanood namin dito pero nag-click sa masa.”
“Maganda talaga yung story…very memorable at hindi pangkaraniwan na plot.”
Ang iba naman ay mukhang may galit kay Daniel.
“Iyak na Daniel…huhuhu ako dapat yan e!!!”
“Gusto ko rati yan. Pero after, Hello Love Goodbye, si Alden na minahal ko. And dun ko narealize na ang yabang n’ya. May star pa din palang humble like Alden, my love.”
Congrats Alden and also Kath. Daniel for sure is sourgraping.”
Comments are closed.