(Sa tubig at koryente) DISCOUNT PA MORE SA SENIORS

Mark Go

LUSOT na sa komite sa Kamara ang panukalang magtataas sa discount na ipinagkakaloob sa mga senior citizen sa kanilang buwanang konsumo sa koryente at tubig.

Sa virtual hearing, inaprubahan ng Committee on Senior Citizens ang House Bills 1903 at 3040, na mag-aamyenda sa Republic Act 7432, as amended by RA 9994, o ang  “Expanded Senior Citizens Act of 2010”.

Sa ilalim ng HB 1903 na iniakda ni Baguio City Rep. Mark Go ay tataasan ang discount na ipinagkakaloob sa mga senior citizen sa kanilang konsumo sa tubig at koryente mula sa kasalukuyang 5 percent sa 10 percent.

“This is indeed essential to mitigate the burden of our elderlies,” sabi ni Go.

Samantala, isinulong ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing, may akda ng HB 3040, ang pag-amyenda sa Section 4(C) ng RA 9994, sa pamamagitan ng pag-aaplay ng  5 percent discount sa unang 150 kilowatt-hours ng konsumo sa koryente at sa unang 50 cubic meters ng tubig, gayundin ang pag-exempt sa utility fees mula sa value added tax.

Hinikayat ni Committee chair at Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes ang kanyang mga kasamahan na patuloy na bigyan ang may 10 milyong seniors sa bansa ng institutionalized relief sa basic social services.

“This is our continuing response on rising to the challenge of coming up with important legislative initiatives that will significantly affect the lives of our marginalized elderly, and bridge their participation and access to the benefits of a sustained and improved quality of life,” ani Ordanes.

Aniya, bukod sa mas malaking discounts, sa ilalim ng panukala ay tatanggalin din ang  value-added tax sa electricity bills at water bills na nakarehistro sa ilallm ng pangalan ng senior citizens.

“Kaya’t tiyak na mararamdaman ng ating mga nakatatanda ang ginhawa kapag naisabatas na ito (That’s why the ease [in financial burden] would really be felt by the elderly once these get enacted into law),” dagdag pa niya. PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *