(Sa two-year high na 10.7% noong Mayo) BANK LENDING SA PH LUMAGO

BANK-3

NAGTALA ng paglago ang lending activity ng malalaking bangko sa bansa noong Mayo, na pinakamabilis na annual expansion sa loob ng dalawang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa preliminary data na inilabas ng BSP, ang bank lending ay tumaas ng 10.7% noong Mayo, mas mabilis sa 10.1% noong Abril. Ito rin ang pinakamabilis na paglago magmula nang maitala ang 11.2% noong Mayo 2020.

Katumbas ito ng P9.974-trillion na halaga ng outstanding loans ng universal at commercial banks net of reverse repurchase placements sa BSP, na tumaas mula sa P9.906 trillion noong Abril at P9.012 trillion noong Mayo 2021.

“Outstanding loans to residents jumped by 10.6% to P8.799 trillion from P7.939 trillion, with loans for production activities up 10.8%, real estate activities by 16.4%, manufacturing by 16.0%, and information and communication by 27.1%,” ayon sa datos ng central bank.

Tumaas din ang consumer loans sa mga residente ng 8.5%, sa likod ng annual growth sa credit card loans at salary-based general purpose consumption loans.

Samantala, ang outstanding loans sa non-residents ay lumago ng 12.5% sa P283.583 billion mula sa 10.1% growth sa P9.905 billion noong Abril.

“With the ongoing normalization of its monetary policy settings, the BSP will continue to ensure that the expansion in credit and liquidity proceeds in line with the outlook for inflation and economic growth while remaining consistent with the BSP’s price and financial stability objectives,” sabi ng BSP.