Ika-95 taong kaarawan ng aking ina, si Nena Martinez Umandal. Isinilang siya noong April 30, 1929, ngunit kaya niyang makipagsabayan sa mga baby boomers, millennials at Gen Z. nasaksihan niya ang mundo sa lahat ng ng mga mahahalagang pagkakataon dahil napakahaba ng kanyang buhay – isang bagay na hindi naranasan ng karamihan sa mga tao sa daigdig.
Kulang ang mga salita upang ipaliwanag ang kahalagahan ni Nanay Nena sa buhay ng kanyang mfa anak at apo. Pati na rin sa mga taong sinuwerteng makilala siya kahit sandal lamang. Sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-95 kaarawan, kilalanin ang isang inang may iiwang marka sa ating puso na kailanman ay hindi mabubura. Habang binabasa ninyo ang kanyang kasaysayan, makadarama kayo ng katiwasayan. Pag-ibig na kanyang ibinibigay bilang pamaba.
Tunay na Batanguena na may pusong nag-uumapaw sa kabaitan at pagkamapagbigay, isang haplos lamang nitya ay nakapagbibigay na ng kaluwagan sa puso. Nagtataglay siya ng kagandahang hinahangaan ng lahat nogg kanyang kabataan, kaya’t nang dumating ang mga Hapon, humukay ng lungga ang kanyang ama sa ilalim ng isang puso upang itago siya. Tinatakpan umano ng kanyang ama ang butas ng mga balat ng mais upang hindimapansin ng mga kaaway.
Grade 5 lamang ang natapos ni nanay Nena, nunit siya ang nagturo sa siyam nityang anak kung paano sumulat at bumasa. Ang bawat anak ay ipinaghele sa duyan, sa salim ng Maganda niyang tinig na hinahangaan ng lahat.
Noong dalaga pa siya, laging kinukuha si nanay Nena para magluwa – ang luwa ay ang pag-aalay ng awit at sayaw sa birhen Maria tuwing fiesta. Sa kanyang kagandahan at kabaitan, at sa kanyang mapafpalang salita, kaulayaw pa ng ginintuang tinig, bawat sanggol ay lumaking may sariling pangarap at mithiin sa buhay.
May limang bagay na matututuhan kay nanay Nena. Una, kahit anong klase ng trabaho, dapat itong pagsumikapan at gawin ng tama. Para kay Nanay Nena, kahit babae ay dapat tumulong upang mapaginhawa ang pamilya. Habang nagsasaka ang kanyang asawang si Tomas Umandal. Snagtitinda naman si Nanay Nena – bukod pa sa walang sawang pag-aalaga sa lahat niyang anak. At napakahusay raw mamalantsa ni Nanay Nena, kahit pa anf ginagamit nilang plantsa noon ay plantsang uling.
Ikalawa, naniniwala si Nanay Nena na ang didiplina at consistency ang sus isa tagumpay. Ano man ang kanyang gagawin, nakatutok siya dito, at hindi hihinto hanggang hindi ito natatapos. Ngunit sa bawat desisyong kanyang gagawin, hindi niya kinakalimutang kumunsulta sa Diyos. Isa siyag madasaling tao. Madalas siyang magdasal ng rosary, at deboto rin siya ng Divine Mercy.
Ikatlo, laging sinasabi ni Nanay Nena sa kanyang mga anak at apoi na maging mabait at mapagbigay. At totoong napakamapagbigay ni Nanay Nena, sa puntong kakainin na lamang niya ay ibibigay pa sa nangangailangan. And no, hindi sila mayaman. Katunayan, dahil siyam nga ang kanilang anak na mag-asawa, halos hindi na nila mapag-aral ang mga ito. Kung si Mang Tomas ang tatanungin, sapat na ang napagtapos nila ng high school ang kanilang mga anak. Ngunit para kay Nanay Nena, ang tao ay parang ibong dapat ay hayaang lumipad kapag kaya na. Pinandsay ni Nanay Nena ang mga pakpak ng lahat niyang mga anak, kaya naman nang kaya na nilang lumipad ay nagkusa silang makipagsapalaran upang humanas ng bagong buhay.
Ikaapat, itinuro niya sa kanyang mga anak ang halaga ng pagmamalasakit, integridad sa pagsisikap. Magmamahal si Nanay Nena, at wala siyang hinihinging kapalit. Ipinangaral niya ang kasamaan ng pagnanakaw, at ang pagtanaw ng utang na loob.
At ikalima, kalayaan at pagiging simple ang magbibigay ng kaginhawahan sa kaluluwa.
Sa edad na 95, kayang kaya pa rin ni Nanay Nena na alagaan ang kanyang sarili. Siya ang nag-aayos ng kanyang kama, nagpapaligo sa kanyang sarili, at kung minsan nga ay nagwawalis pa dahil ayaw na ayaw niya ng makalat.
Isa lamang ang ikinasasakit ng kanyang kalooban. Sa siyam niyang anak ay apat na ang nawala. Napakasakit para sa isang ina ang makitang pumanaw ang kanyang anak.
“Naaalala ko sila palagi,” ani Nanay Nena. “Bakit kailangang mauna sila sa akin?”
Sa kanyang mga apo, siya ang pinagmumulan ng walang katapusang pagmamahal at talino. Isa siyang biyayang nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob upang ipagpatuloy kung anuman ang nais nila sa buhay.
Ang kagandahan ni Nanay Nena ay hindi lamang panlabas – mas maganda ang kanyang kalooban at minamahal siya ng lahat. Isa siyang mabangong bulaklak, tulad ng sampaguita, ang kanyang paboritong awitin na lagi niyang inaawit sa kanyang mga sanggol. Sa ugoy ng kanyang duyan, lumaki ang mga sanggol, agkaroon ng lakas ng loob na abutin ang kanilang mga pangarap, at nagsilbing magagandang halimbawa sa mga bagong henerasyon. NLVN