“SA UNA LANG MAGANDA ANG TRATO” – OFW

ofw

ILOCOS NORTE – ISA na namang overseas Filipino worker (OFW) ang dumanas ng kalupitan sa kaniyang amo sa Saudi Arabia.

Ayon kay Mrs. Zenaida Solis, residente sa Brgy. Nagbacalan, Paoay, Ilocos Norte, noong una ay maganda ang pakikitungo sa kanya ang mga amo nito.

Subalit, habang tumatagal ay nag-iba na raw ang trato sa kanya hanggang sa sinasaktan na nila ito at hindi na pinapakain.

Aniya, kinuha pa ng kanyang mga amo ang kanyang cellphone para hindi umano siya makapagsumbong sa kanyang agency at pamilya nito dito sa bansa.

Subalit, dahil sa tulong ng kasama niyang Pinay ay naibalik sa kanya ang cellphone at nakahingi ng tulong sa kanyang agency at asawa nito.

Dumulog sa isang himpilan ng radyo si Solis kaya ito ay nakauwi nang ligtas sa Filipinas.   PILIPINO Mirror Reportorial Team