(Sa unang 10 buwan ng 2021) P2.5-T KITA NG GOBYERNO

DOF-2

TUMAAS ang kabuuang kita ng pamahalaan sa unang 10 buwan ng 2021 ng 5 percent sa P2.49 trillion mula sa P2.37 trillion sa kaparehong panahon noong 2020, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa pahayag ng DOF, ang tax revenues ay umangat ng 9.1 percent.

Ayon sa ahensiya, ang koleksiyon ng  Bureau of Internal Revenues (BIR) ay tumaas ng 6.8 percent habang ang sa Bureau of Customs (BOC) ay lumaki ng 17.1 percent makaraang makabawi ang imports.

Ang kabuuang koleksiyon ng BOC na P525.4 billion para sa naturang panahon ay mababa ng gahibla sa pre-pandemic collection nito na P527.7 billion.

Samantala, bumaba naman ang non-tax revenues ng 22 percent dahil sa nonrecurrent collections noong nakaraang taon mula sa government corporations at government offices tulad ng minamandato sa ilalim ng Bayanihan 1.

“Expenditures, on the other hand, rose by 11.5 percent partly due to spending in the fight against the COVID-19 pandemic,” sabi pa ng DOF.

“Despite higher fiscal deficit, a strong revenue performance enabled the country to maintain good macroeconomic fundamentals, attain manageable inflation, sustain low interest rates, and keep its investment grade credit rating,” dagdag ng ahensiya.

“These positive developments augur well for a strong economic recovery as the country gradually loosens its quarantine restrictions.”

Umaasa ang ilang analysts at economic managers na makababalik ang ekonomiya ng bansa sa pre-pandemic growth nito ngayong taon.