(Sa unang 10 buwan ng taon) $7-B KINITA NG PH SA FOREIGN TOURIST ARRIVALS

UMABOT sa $7 billion o P404 billion ang kini­ta ng Pilipinas mula sa foreign tourist arrivals sa unang 10 buwan ng taon, ayon sa Depart­ment of Tourism (DOT).

Ito ay mas mataas ng 190 percent kumpara sa $2.47 billion, o P138.46 billion na naitala sa kapa­rehong panahon noong nakaraang taon.

“We have received over 4.63 million interna­tional visitors which con­stitutes 96 percent of our entire year’s target,” wika ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco.

Ayon kay Frasco, tar­get ng bansa na makaakit ng 5 million foreign visi­tors ngayong taon.

Sa kanyang pagsasal­ita sa isang panel discus­sion sa iba pang Philip­pine economic managers sa San Francisco, Cali­fornia, sinabi ni Frasco na nakikipag-ugnayan ang DOT sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagtatayo ng mga karagdagang tourism infrastructure sa bansa.

Aniya, mahigit 158 kilometers ng tourism roads ang naitayo na o naisaayos ngayong taon.

Sinabi ni Frasco na nakapagtayo na ang DOT ng 10 tourist rest areas (TRA) sa strategic locations sa buong bansa, kung saan 18 pa ang itatayo upang higit na maging komportable ang pananatili ng mga turista sa bansa. Inaasahan ding magtatayo ang bansa ng limang cruise terminals sa darating na taon, isang proyekto sa ilalim ng liderato ng Department of Transportation (DOTr) at ng Philippine Ports Authority (PPA).