(Sa unang 3 quarters) BUDGET DEFICIT PUMALO SA P1.14-T

BTR

UMABOT sa P1.14 trillion ang budget deficit ng bansa sa unang tatlong quarters ng taon, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ito ay mas mataas ng 29.6 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, subalit mas mababa pa rin ng 20.1 percent kumpara sa P1.4-trillion adjusted year-to-date target.

Sa datos ng BTr, mula Enero hanggang Setyembre, ang pamahalaan ay nakakolekta ng P2.24 trillion na revenues ngunit gumasta ng P3.38 trillion.

Sa buwan lamang ng Setyembre, ang budget gap ay lumobo sa P180.9 billion mula sa P138.5 billion noong nakaraang taon.

Ang nalikom na revenues para sa Setyembre ay umabot sa  P231.4 billion, mas mataas ng 8.96 percent kumpara sa nakolekta sa kahalintulad na panahon noong 2020.

Gayunman, ang paggasta sa nasabing buwan ay tumaas sa P412.4 billion, tumaas ng 17.5 percent mula sa P350.9 billion noong nakaraang taon.

Patuloy sa pag-utang ang pamahalaan para matustusan ang COVID-19 response at massive infrastructure program nito.

Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na inaasahang mangungutang ang gobyerno ng P3 trillion ngayong taon at  P2.25 trillion sa 2022.

4 thoughts on “(Sa unang 3 quarters) BUDGET DEFICIT PUMALO SA P1.14-T”

  1. 633858 105472After study some of the websites with your internet internet site now, i truly as if your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and will likely be checking back soon. Pls appear at my site likewise and figure out what you believe. 149955

Leave a Reply

Your email address will not be published.