NAKAPAGTALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng aabot sa 9,981 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi na sa bansa simula lamang nito Disyembre 1 hanggang Disyembre 5 ng taong kasalukuyan dahil sa patuloy na repatriation efforts ng kagawaran.
Dahil dito, umabot na sa 287,301 ang kabuuang bilang ng repatriated OFWs kasama ang mga bagong nakauwi mula Middle East at iba’t ibang rehiyon.
Sinasabing , umabot na rin sa 8,432 (84.48%) mula sa Middle East ang napauwi ng naturang ahensiya, 843 (8.45%) mula sa Asia and the Pacific at 706 (7.07%) naman mula sa Europe.
Limang medical repatriations naman ang naisagawa ng DFA mula Bahrain, Japan, Oman, Russia, at Thailand.
Inalalayan din ng DFA ang pagbabalik-Filipinas ng isang pamilya, kabilang ang dalawang menor de edad na anak mula sa Iraq, 11 distressed students sa Indonesia, at tatlong undocumented OFWs/trafficking victims sa Syria.
Tiniyak naman ng DFA na handa silang tumulong sa mga distressed OFW na lubhang naapektuhan ng pandemya at nais nang umuwi ng Filipinas. LIZA SORIANO
Comments are closed.