(Sa unang quarter nitong 2021) P31 M DROGA NASAMSAM NG PDEA-REGION 2

CAGAYAN-TINATAYANG mahigit sa P30 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa unang bahagi pa lamang ng taong 2021.

Sa nakuhang impormasyon, inihayag ni Louela Tomas, Information Officer ng PDEA-Region 2 na ang kanilang First Quarter accomplishment sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP), mayroong 239 anti drug operations ang naisagawa.

Umaabot sa 81.57 gramo ng shabu ang nasamsam sa mga indibiduwal na mga suspek na bukod sa 267.08 gramo ng Marijuana, habang umaabot din sa 21,600 pieces na fully grown marijuana ang nakumpiska mula Enero Hanggang Marso, 2021 na sa kabuuan ay umaabot sa halagang P31,216,732 ang mga nasamsam ng PDEA-Region 2.

Samantalang, bukod umano sa kanilang total operations sa isinasagawang pag-aresto sa mga high value target noong buwan ng Abril ay 12 ang nasakote gayundin, aabot sa naman sa 91 ang bilang ng operasyon ng kanilang ahensiya.

Dagdag pa ni Tomas, ang kanilang ginagawang hakbang ay upang masawata ang suliranin sa ilegal na droga at para mapigilan ang paglaganap ng droga sa kanilang nasasakupang rehiyon.
IRENE GONZALES

20 thoughts on “(Sa unang quarter nitong 2021) P31 M DROGA NASAMSAM NG PDEA-REGION 2”

  1. 180018 802529There is noticeably plenty of money to comprehend this. I suppose you created particular good points in functions also. 280371

Comments are closed.