(Sa video clip na nanakit ng trainee) HPG DIRECTOR NAG-RESIGN

QUEZON- NAUWI sa pagbibitiw ng hepe ng Highway Patrol Group ang nag-viral na video sa kasagsagan ng graduation rites ng mga kalahok sa Executive Motorcyle Riding Course sa Sariaya sa lalawigang ito.

Sa ulat, kusang nagbitiw bilang director ng HPG si Brig. General Cliffors Garanoid makaraang kumalat ang video clip ang isang lalaki na mukhang HPG officer na nananakit ng trainee noong graduation rites sa Executive Motorcyle Riding Course sa nasabing lugar.

Ang pagbibitiw ni Garanoid ay upang bigyan-daan ang imbestigasyon sa insidente.

Sa statement naman ng Philippine National Police (PNP) inako ni Garanoid ang naturang insidente kaya nagbitiw ito at na-relieve din ang buong training staff.

Batay naman sa Special Orders Number NHQ-SO-URA-2023-2724 na aprubado ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr, epektibo kahapon ay papalitan ni Col Jay Reyes Cumigad, dating deputy director for operations sa Police Region Office-3 si Garanoid.

Pinuri naman ni Azurin ang naging hakbang ni Garanoid habang inatasan ang Internal Affairs Service para imbestigahan ang nag-viral na video clip.

“Gen Azurin has commended the act of Police General Garanoid. He welcomed the professional and gentlemanly gesture of General Garanoid and his immediate action on the matter,” bahagi ng statement ng PNP. EUNICE CELARIO