TINAPOS na ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) noong Pebrero 16 ang closed fishing season para sa conservation ng sardinas, herrings, at mackerels sa mga katubigan ng Visayan Sea.
Maaari nang ipagpatuloy ng commercial fishers ang kanilang operasyon sa conservation area sa Visayan Sea, matapos ang three-month ban sa panghuhuli ng naturang mga isda.
Tapos na rin ang closed fishing season na nagbabawal sa panghuhuli ng sardinas sa Zamboanga Peninsula, na nagsimula noong November 15, 2023.
Makababalik na ang commercial fishers at small-scale fisherfolk sa kanilang operasyon sa loob ng conservation area, makaraan ang three-month ban sa panghuhuli ng nasabing fish species.
Noong August 2023 ay nagkakaisang inaprubahan ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC), sa pamamagitan ng isang resolution, ang adjustment sa pagpapatupad ng closed fishing season para sa sardinas sa mga katubigan ng East-Sulu Sea, Basilan Strait, at Sibuguey Bay sa Zamboanga Peninsula mula fNovember 15 hanggang February 15, mula sa dating period na December 1 hanggang March 1.
“The adjustment of the implementation of the previous duration of the closed-fishing season stems from research conducted under the National Stock Assessment Program of the BFAR and the National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) in Region 9, which shows that the spawning period of mature sardines peaks during October until January,” ayon sa DA-BFAR.