SA WAKAS, FACE-TO-FACE NA NGAYONG HOLY WEEK

(Pagpapatuloy…)
Ngayong Semana Santa, ipagdasal natin hindi lamang ang ating sarili at mahal sa buhay, kundi pati na rin ang ating bansa at kapwa Pilipino.

Nawa’y pagpalain at gabayan tayo sa ating pagbangon mula sa mga pagsubok na dala ng pandemya, at ng iba pang problemang kinakaharap natin bilang bansa.

Huwag din nating kalimutang ipagdasal ang mga biktima ng giyera sa Ukraine—nawa’y mangibabaw ang kapayapaan sa kanilang bansa at sa buong mundo, at nawa’y hipuin ng Panginoon ang puso ng mga pinuno at lider sa ating daigdig.

Si Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula ang mangunguna sa mga aktibidad ngayong Holy Week sa Manila Cathedral. Bukas, Huwebes Santo, siya ang magdiriwang ng Chrism Mass sa ganap na alas-7:00 ng umaga.

Ang mga kinatawan ng iba’t-ibang parokya na may tiket lamang ang maaaring pumasok sa simbahan; ang iba ay maaaring manatili sa labas.

Sa Biyernes Santo sa ganap na alas-5:00 ng hapon, magdiriwang ng misa ang Kardinal bilang pag-alaala sa Huling Hapunan ni Hesus kasama ang kanyang mga disipulo.

Magkakaroon ng Station of the Cross sa ganap na alas-9:00 ng umaga sa Biyernes Santo at ang misa para gunitain ang Pasyon ni Hesus at gaganapin sa alas-3:00 ng hapon.

Ang Easter Vigil Mass ay mangyayari sa gabi, alas-8:00 sa ika-16 ng Abril. At sa Linggo ng Pagkabuhay, ang mga misa ay naka-iskedyul ng alas-8:00 at alas-10:00 ng umaga, at sa alas-6:00 ng gabi.