(Sa World Teachers’ Day) KAPAKANAN NG FRONTLINERS SA EDUKASYON ISINUSULONG

win Gatchalian

SA pagdiriwang ng World Teachers’ Day ngayong araw Oktub­re 5, muling ipinanawagan ni Senador Win Gatchalian ang pagtaguyod sa kaligtasan at kapakanan ng mga frontliners sa edukas­yon, lalo na’t mahalaga ang kanilang papel sa patuloy na pagkatuto ng mga kabataan sa gitna ng pandemya ng CO­VID-19.

Para kay Gatcha­lian, mahalagang matiyak na lahat ng mga guro, kawani, at mga school officials ay mababakunahan kontra COVID-19. Kasabay nito ang inaasahang pagsisimula ng pilot testing ng limited face-to-face classes sa mga lugar na itinuturing na may minimal risk ng COVID-19.

Ayon sa Department of Education (DepEd), kinakailangang fully vaccinated ang mga guro at non-teaching personnel na lalahok sa limited face-to-face classes.

“Kasabay ng unti-un­ting pagbubukas ng ating mga paaralan ang pagtiyak na lahat ng ating mga guro ay mababakunahan kontra COVID-19. Kung mababakunahan na ang lahat ng mga guro at mga kawani, matitiyak nating makakalahok sila kung sakaling mapalawig na ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa buong bansa,” pahayag ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Bagaman ang pagpapabakuna ng mga guro ay makatutulong laban sa pagkalat ng COVID-19 sa mga paaralan, sinabi ni Gatchalian na mahalaga ring matiyak na matatakbuhan ng mga guro ang pamahalaan sakaling sila ay mahawaan ng coronavirus disease.

Maaaring gamitin ng mga guro ang kanilang coverage mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sakaling sila ay mahawaan ng sakit. Ngunit kinakailangan muna nilang mag-abono bago sila makatanggap ng re­imbursement mula sa PhilHealth.

Kaya isang panukala ni Gatchalian ay ang pagkakaroon ng special lane para sa mga guro upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong pinansiyal.

Kinikilala rin ng senador ang papel ng mga guro bilang mga front­liners sa halalan.

Sa Senate Bill No. 1193 na kanyang inihain noong 2019, isinusulong ni Gatchalian na huwag nang patawan ng buwis ang sahod at iba pang mga benepisyong natatanggap ng mga guro mula sa Commission on Elections (COMELEC) sa panahon ng halalan.

Noong nakaraang eleksyon, may limang (5) porsyentong buwis na ipinataw sa mga sahod, benepisyo, at allowances ng mga gurong nanungkulan bilang election workers.

“Nagpapasalamat ako sa ating mga guro para sa kanilang serbisyo sa ating bayan. Hindi lang sila frontliners sa edukasyon, mahalaga rin ang papel nila sa panganga­laga ng ating demokrasya. Kaya naman dapat nating itaguyod ang kanilang kaligtasan at kapakanan lalo na sa gitna ng hinaharap nating krisis,” pagtatapos ni Gatchalian. VICKY CERVALES

331 thoughts on “(Sa World Teachers’ Day) KAPAKANAN NG FRONTLINERS SA EDUKASYON ISINUSULONG”

  1. Learn about the side effects, dosages, and interactions. What side effects can this medication cause?
    https://tadalafil1st.com/# cialis sales canadian
    Everything about medicine. safe and effective drugs are available.

Comments are closed.