(Sa Year 2022) LAHAT NG PINOY MAISASAMA NA SA NATIONAL ID SYSTEM

Harry Roque

TARGET ng pamahalaan na lubusang maipatupad ang National ID system sa 2022.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinakilos na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang National Economic Development Authority (NEDA) upang mabilis na maipatupad ang National ID system.

Sinabi ni Roque na inaasahang maisasama na ang lahat ng Filipino sa national data base sa susunod na dalawang taon.

Sa ngayon  ay nasa limang milyong household ang unang target na maisama sa national data base.

Binigyang diin ni Roque na nakita ng Pa­ngulo ang kahalagahan ng National ID  System sa panahon ng pan­demya lalo na sa mabilis na pamamahagi ng ayuda. DWIZ882

Comments are closed.