SAAN GALING ANG PONDO NG ABU SAYYAF?

alex santos

MULA nang mabuo ang Abu Sayyaf Group (ASG), malaking pera na ang naibulsa nila sa pangingidnap sa loob ng ilang taon. Sino ba naman ang makakalimot sa ginawang pag-atake ng mga bandido sa Dos Palmas Resort sa Palawan kung saan dinukot nila ang ilang dayuhan? Si­yempre, hindi rin kaila sa atin na sila ang nasa likod ng pagkidnap sa mag-asawang Burnham sa naturang lalawigan din.

Milyon-milyon na ang kinita ng ASG sa kidnapping na ipinambibili naman nila ng matataas na kalibre ng baril at ginagamit laban sa militar. Naglatag naman ng kakaibang alok si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga terorista. Pagkakalooban daw sila ng bahay at lupa kung susuko silang lahat. Sa totoo lang, marami ang napailing sa offer na iyon ng Presidente. Parang seryoso raw ang Punong Ehekutibo sa pakiusap at maaaring naaamoy niya na nasa paligid lamang ang mga kalaban na puwedeng gumawa ng hakbang laban sa kanya. Iyon marahil ang dahilan kaya nakikiusap siya sa mga bandido na huwag siyang kidnapin o patayin.

Ngunit, minsan pang pinatunayan ng ASG na wala silang puso at hindi sila dapat kaawaan. Ka­makailan, hindi bababa sa 10 katao ang namatay sa Lamitan, Basilan dahil sa pagsabog ng bomba na inilagay sa isang van na dito’y Abu Sayyaf ang hinihinalang may pakana ng terorismo. Naglatag daw ng checkpoint ang awtoridad sa Sitio Bulanting, Barangay Colonia matapos makatanggap ng ulat na may nagpaplanong magpasok ng mga pampasabog sa lugar. Sinasabing tauhan ni ASG leader Furuji Indama ang driver ng van na layong mabulabog ang mass surrender ng mga rebelde.

Kasama sa mga nasawi ang lone attacker, isang sundalo, apat na miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at apat na sibilyang kaanak ng mga ito.

Kung hindi po tayo nagkakamali, iyon ang unang beses na may sumambulat na bombang karga ng isang 4-wheel vehicle sa Lamitan. Mas maganda kung pulbusin na ang Sayyaf, sa halip na makiusap sa mga terorista at pagbayarin sa mga ginawang kasalanan. Marami pang susunod na biktima kung hindi magsasagawa ng sunod-sunod na pagsalakay ang tropa ng pamahalaan laban sa mga mamamatay-tao.

Hindi sila titigil sa pangingidnap at pambibiktima hanggang nakikita nilang tila naduduwag ang pamahalaan. Kaya nga, isa lamang ang solusyon sa probema – pulbusin na ang mga bandido at huwag nang hayaang makapagbuo muli ng mas matatag na pangkat. Pulbusin na ang mga walang kalulu-wang terorista. Nararapat ding alamin kung may mga tao o grupong sumusuporta sa kanila o nagbibigay ng pondo para guluhin ang gobyerno.

***

Si Alex Santos ay broadcaster sa mga programa ng DWIZ 882 tulad ng Ratsada Balita tuwing alas-6 ng umaga; IZ Balita Nationwide Pang-uma­gang edisyon (7am-8am) at kasalukuyang host ng public service program sa PTV 4, ang KILOS PRONTO, tuwing alas 4 y medya hanggang alas-5 y medya ng hapon,  Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood ninyo rin ako sa PTV NEWS araw-araw sa alas-6 ng gabi. Ipadala ang inyong komento at reaksiyon sa lupaxsantos1@yahoo.com o puwede ninyo akong i-follow sa twitter account @iamalexsantos.

8 thoughts on “SAAN GALING ANG PONDO NG ABU SAYYAF?”

  1. This is the right blog for everyone who is really wants to discover this topic. You know so much its nearly not easy to argue on hand (not that I really would want…HaHa). You actually put the latest spin for a topic thats been written about for years. Wonderful stuff, just fantastic!

  2. 831910 751384Thank you pertaining to giving this superb content on your web-site. I discovered it on google. I may check back once more in case you publish extra aricles. 390057

Comments are closed.