SAAN KA PUPUNTA ESTELITA MENDOZA?

September 8 ang birthday niya, kasabay ng birthday ni Virgin Mary. Pero kapag sinabi mong baka virgin pa si Milleth, malamang masampal ka niya.

Masayahing tao si Milleth mula pa noong bata pa lamang siya. Syempre maraming problema, ngunit para sa kanya, tawa lang ang katapat nito. Bakit mo i-stress ang sarili mo kung pwede namang hindi, sabi pa niya.

Noong kanyang kabataan ay nakapagtra­bAho siya sa Japan kaya tinawag niya ang kanyang sariling Melesan. Pinagsamang Milleth at san, na endearment at salita ng paggalang ng mga Japanese. Ilang taon din siyang nagtrabaho sa Japan para mapag-aral ang kanyang mga anak at upang maipatayo ang pangarap nilang bahay na bato.

Nang umuwi siya sa Pilipinas ay inalagaan naman niya ang kanyang asawang iginupo ng diabetes, at nang siya ay mabiyuda, mga apo naman ang kanyang ina­sikaso. May anak kasi siyang nakapagtrabaho sa Canada at sa kanya iniwan ang mga anak nito habang hindi pa naiaayos ang mga papeles upang maisama na silang mag­lolola sa Canada.

Sa ngayon ay magtatatlong taon na sila sa Canada. Finally ay nakasama niyang muli ang kanyang anak, at hindi rin siya nalayo sa mga inalagaang apong sadyang minahal niya ng husto.

Wala siyang mali­naw na plano sa ngayon. Sa edad na 65, ano pa ba ang mahihiling niya sa buhay? Kumpor­table na siya dahil nalampasan na niya ang mga pagsubok. Kasama niya ang mga mahal sa buhay — at bahala na si Lord kung ano pa ang plano nito sa kanya.

Siguro, isang araw, muli siyang dadalaw sa Pilipinas, ngunit dalaw lamang. Gusto niyang manatili sa piling ng kanyang anak at mga apo.

RLVN