SAAN kaya nakatira ngayon ang bagong kasal na sina Matteo Guidecelli at Sarah Geronimo?
Naintriga ang fans nang i-post si Matteo on Instagram last Wednesday (February 26) ng picture nilang mag-asawa habang may hawak na tig-isang kopita in obvious celebration of their new status as husband and wife.
Obviously, in a place that Mommy Divine would dare not go. Hahahaha!
Very generic ang dingding na background kaya mahirap ma-detect kung saan ba talaga sila nakatira.
Posibleng sa ngayon ay sa bahay muna nina Matteo tumutuloy ang bagong kasal pero sa post ni Vicki Belo on Instagram, obvious na namimilli na ang dalawa ng mga kagamitan sa kanilang magiging bahay.
Happily, mukhang back to normal na ang buhay ng mag-asawa.
Ang totoo niyan, nag-report na nga si Sarah sa taping ng The Voice Teens sa ABS-CBN studios sa Quezon City, kung saan isa siya sa judges.
Obvious na suot-suot na ng Pop Star Royalty ang kanyang wedding ring sa kanyang daliri, kasama ang dati niyang engagement ring.
Si Matteo naman ay sumipot sa isang changing of the guard ceremony sa Malakanyang nu’ng Martes. Isang reserved officer ng Philippine Army ang actor/car racer.
Anyhow, umaasa si Matteo na eventually ay maaayos rin ang lahat between his family and those of Sarah’s.
Samantala, it was a good thing na hindi nagsasalita ang ama at mga kapatid ni Sarah. Mukhang wala silang social media account para i-express ang mga saloobin nila.
BANGKAY NG INA NI JOHN REGALA, ANG DFA ANG NAG-ASIKASO
NAKAHIMLAY lang pala ang bangkay ni Ruby Regala sa isang punerarya sa Estados Unidos as compared sa balitang siya ay doon na nailibing. Ito ang balitang nasagap ng press galing sa beteranang aktres na si Divina Valencia coming from another showbiz netizen.
‘Yon pala ay prini-serve ang bangkay ng dating aktres para later on ay dalhin sa Filipinas para maihatid sa huling hantungan.
Anyhow, ibinalita ng beteranang peryodistang si Alice Vergara na ang Department of Foreign Affairs ang tumulong sa pagpapadala ng mga labi ni Ruby sa Pinas.
Nakalagak nga pala sa St. Peter Chapels sa Tandang Sora ang bangkay ni Ruby, na ikinalulungkot nang labis ni John.
Isa si Joseph Estrada sa mga unang dumalaw kay Ruby dahil siya pala ang tumatayong discover ni Ruby.
Nagpunta rin si Joko Diaz para makiramay sa kaibigang si John. Pati si Amay Bisaya, nakipaglamay rin. Nandoon din ang mga movie writer na sina Aster Amoyo at Linda Cabuhayan. Ang kapatid sa ama ni John na si Bong Francisco, anak ng aktor na si Mel Francisco ay yumakap nang mahigpit kay John. Si Mel ay mula sa angkan nina Robin Padilla.
Matatandaan na sumama ang loob ni John kay Mel dahil naetsa-puwera silang mag-ina sa buhay nito magmula ng makipagrelasyon si Mel kay Margie Sara at naanakan nito ang kapatid ni Margie na si Nina Sara.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.