Hindi kailanman binabalewala ang kaway ng silver screen, kahit pa sa loob ng sandaang taon, nag-evolve na ito mula sa nakakatawang silent movies, sa kasayukutang 5D spectacles. Kaya isipin na lamang ninyo kung ano ba ang mangyayari sa ‘Future of Cinema.’ Malinaw namang nasa bingit na naman tayo ng bagong kabanata sa cinematic history, kung saan teknolohiya ang guguhit ng mga imahinasyong higit pa sa silver screen lamang, kundi mas malamang na lalagpas pa sa multisensory realm of storytelling.
Nagsimula sa Silent Films, umabot sa Digital Realms. Ang pioneers nito ay ang Lumière brothers, na noong 1895 ay unang lumikha ng pelikula — ang “Workers Leaving The Lumière Factory.”
Sinimulan nila itong gawin kasama si Besançon noong October 5, 1864 na may original title na La Sortie des ouvriers de l’usine Lumière (1895; “Workers Leaving the Lumière Factory”). Ito ang itinuturing na first motion picture. Isa rin itong
landmark moment sa cinematic history, dahil ang simpleng silent film na ito ang tanda ng pagsilang ng isang industryang kusang lalaki at lalago.
Noong 1927, binasag ng “The Jazz Singer” ang katahimikan sa paggamit ng synchronized sound. Nag-revolutionize na ang filmmaking process at mas lumalim ang pagkukwento.
Noong1930s, nagkaroon na ng Technicolor, bagong innovation na naman.
Sumapit ang 1950s at ipinakilala ang widescreen formats tulad ng Cinerama, kaya mas malawak na ang napapanooran.
Bilisan ha natin. Ilang dekada pa, nagkaroon na ng digital effects, well, “Star Wars” ni George Lucas ang natarandaan ko, at syempre ang “Jurassic Park” ni Steven Spielberg. Hindi ko pa kilala noon sina Lucas at Spielberg, basta nanood lang ako, at hindi ko rin alam na ang tawag pala doon ay fantastical realities. Malay ko ba, e batabpa lang ako noon!
Sa modern on-going panahon, naglabasan ang mga technologies ng IMAX at 3D projection, at muling nag-transform ang cinema sa isa pang immersive experience. Sa mga advancements na ito, tulad ko, siguro ay nagtatanong din kayo. Ano na naman kayang kagila-gilalas na innovations ang hihubog sa ‘Future of Cinema’?
Ilan sa latest contenders ay virtual reality (VR) at augmented reality (AR). Gamit ang VR headsets, nakakapasok ang viewers sa cinematic worlds, kung saan hindi ka lamang nagiging passive movie-viewer kundi kasama na rin sa interactive adventures. Sa AR naman, humahalo ang movie magic sa ating immediate environment, kaya nagkakaroon ng seamless blend sa totoo at sa fantastical.
Hindi pahuhuli ang 3D projection systems na nagpapakita naman ng mga lifelike visuals.
Kaya ano pa ang pwedeng madagdag sa cinema sa hinaharap?
Baka mga upuang mag-i-simulate ng on-screen action sa pamamagitan ng vibrations o movements, kung saan mararamdaman ng viewers ang action. Parang may ganoon na sa Star City!
Baka scent incorporation na rin, kung saan ang viewing experience ay magkakaroon ng mas malakas na emotional responses at makalilikha ng mas malalim na level of engagement.
Malaki ang magiging papel ng Artificial intelligence sa future cinema. Baka sila na ang gagawa ng plotlines sa audience reactions o gagawa ng unique narrative paths para individual viewers. E lahat, kaya nilang sagutin, di ba? Si Cici lang ang kilala kong AI.
Anyways, sa tulong ng teknolohiya, pwedeng i-transform ang cinema sa isang responsive space kung saan maiiba ang mukha batay sa setting ng pelikula, upang makapagbigay ng all-encompassing visual experience.
Ito ang pwedeng maging advancements sa movie industry. Iisipin ninyo sigurong masyadong advanced ang utak ko, ngunit hindi po. Malaki talaga ang posibilidad na iyan.
Kaye VN Martin