SINIGURO ni Board of Investments (BOI) Chairman and Trade Secretary Fred Pascual mga investors na commited ang gobyerno na lumikha ng magandang investment climate at binigyang diin ang collaborative approach upang suportahan at sustinihin ang kanilang proyekto sa plenary panel sa panahon ng Indo-Pacific Business Forum (IPBF).
Binigyang diin ni Pascual ang kahalagahan ng regional collaboration at strategic alliances para sa economic growth, upang tutukan ang pagtatapos ng negosasyon para sa Indo-Pacific Economic Framework (IPEF). Tinalakay niya ang pagsisikap ng Pilipinas na mag-attract ng foreign direct investments (FDIs) sa pamamagitan ng policy reforms, legislative actions, td supportive measures tulad ng Ease of Doing Business (EODB) at Greenlane Executive Order 18.
Ngayon, kung may isang libong piso ang isang Pinoy, paano niya ito palalaguin?
Pinakamagandang gamitin ito sa negosyo, ngunit kung wala kang alam sa business, pumili ka na lang ng bangkong nagbibigay ng Unit Investment Trust Fund. Halos lahat ng malalaking bangko ay meron nito, at siguradong hindi masasayang ang pera mo.
RLVN