(ni NENET L. VILLAFANIA)
SAAN nga ba tayo dadalhin ng teknolohiya?
Si Bill Gates na umiinom dati ng tubig galing sa gripo, hanggang sa mga gamit na boses sa halip na mata ang nagbabasa sa research, at mga cellphone na ginagamit sa botohan o pag-asikaso sa mga transaksiyon, ano pa ba ang susunod?
Napakabilis ng development of technology. Halos tuwing anim na buwan, may bagong ini-introduce na bagong state of the art, kaya out-of-date na ang dati. Sa mabilis na pag-evolve ng technology, bumibilis din ang pagbabago at ang pag-asenso.
Kahit ang mga kurso sa kolehiyo, technology-based na rin kahit hindi naman ito nababago ng simbilis ng cellphones. Pero palagi, may nababago, at alam ito ng mga IT professional kaya sila rin, tuloy-tuloy ang pag-aaral. Ang IT specialists ng 21st century ay walang hinto sa pag-aaral, dahil kailangan. Kung kada anim na buwan ang pagbabago ng teknolohiya, ganoon din ang training nila. Ano ang ibig sabihin nito?
Madali lang. Ibig sabihin, kailangan din tayong sumabay sa teknolohiya. Sabi nga ng millennials, YOLO – you only live once – at dapat nating abangan ang mga pagbabago sa hinaharap, upang malaman kung anong skills ang dapat mong matutuhan at anong klaseng trabaho ka qualified, or else, tungaers ang beauty mo.
ARTIFICIALINTELLIGENCE (AI)
Uso na ang artificial Intelligence. Wow, robotics na ang usapan. Sa halip na human workforce, robots na lang. Hindi na nagra-rally, hindi pa napapagod. Ewan kung positive o negative ito, pero para sa mga negosyante, okay lang. Isa na lang kasi ang kailangan nilang i-hire – isang IT expert – para siyang magpatakbo sa robots. Idagdag pa ang Machine Learning. Aba, uso na ang video conference ngayon sa mga paaralan. I remember, nu’ng estudyante pa ako sa Athens University, amazed na amazed ako nang wala akong makitang professor sa harap ng klase at sa halip ay isang malaking screen kung saan doon makikita ang professor/lecturer. Pero ngayon, video conference na lang kaya hindi na imposibleng maging lecturer ang mga retired na magagaling na professor sa bansa, tulad ng pina-practice ngayon ng Athenaeum Byzanthium College. Malaking tulong talaga ang technology dahil hindi na nila kailangang umalis ng bahay. Gagayahin ng computer systems ang human intelligence at higit pa, at nakakapag-perform sila na utak lamang ang gumagana, kahit pa nga maging bed-ridden sila.
Isama rin natin sa artificial intelligence services ang google maps, live streaming sa TV, smartphone personal assistants, ride-sharing apps, home personal assistants, at smart home devices, puwera pa riyan ang schedule ng eroplano at tren, business assessment, maintenance prediction sa buildings, energy saving devices na appliances at iba pang kagamitang nakatitipid sa gamit ng koryente.
Sa madaling sabi, puwede ring tawagin ang AI na automation, at napakalaking problema nito para sa employment dahil pinapalitan ng automation ang maraming trabahong ginagawa ng tao. Ayon sa mga eksperto, posibleng sa 2030, halos 80 million trabaho na ang mapapalitan ng automation. Good for business, pero hindi “pasok sa banga” para sa jobseekers. Sa taong nabanggit, bihira na ang manual labor. Mas indemand na ang mga trabahong may kinalaman sa technology development, programming, testing, at support and maintenance. Kahit mga arkitekto, gagawa na rin ng plano gamit ang graphics sa computers. Hindi na kailangan ang draftsman. Kahit daw ang mga data scientist, kailangan din ang mga skilled professionals.
PAG-AARAL SA MGA MAKINARYA
Parang nakakatakot na sa mga susunod na taon, pati robots mag-aaral na rin – via video conference. Ipo-program ang computers na gumawa ng mga bagay na hindi naka-program sa kanila. In other words, magkakaroon ng decision making ang robots at computers. Pero sana, hindi ito matulad sa mga napapanood natin sa futuristic movies kung saan nagkakaroon ng cyber-invasion. Ibig kong sabihin, ‘yung mas marami na ang computers at sila na ang nagpapasiya. Okay lang sana kung kung katulad ni Million Dollar Man o ni Bionic Woman – mga palabas sa TV noong 70s at 80s – kung saan para mailigtas sila sa kamatayan ay ginagawang mechanical ang ilang bahagi ng kanilang katawan, pero utak pa rin ng tao ang nagpapasiya. Pero paano kung pati utak ay magiging robotic na rin, kung saan papalitan na lamang ng mechanical brain. Pati puso, mechanical heart na rin. Ano ang magiging resulta?
Laganap na ngayon ang Machine Learning. In fact, ang inyong lingkod ay nagtuturo gamit ang machines. Skype, in particular. Nagtuturo ako ng English sa mga Japanese na naka-base sa Japan, gamit lang ang computer. Palago nang palago ang industriyang ito at parami nang parami ang tumatangkilik. Mas convenient kasi. Sa Japan, bihira na ang gumagamit ng totoong teachers sa classrooms. Virtual teachers na lang. Mas effective kasi at hindi time consuming. Lahat ng minuto, nagagamit. At na-e-evaluate agad ang natutuhan ng estudyante sa maikling panahon.
Isama na rin natin ang virtual job hunting. Sa Generation X, mapupudpod ang suwelas ng sapatos sa paghahanap ng trabaho. Sa millennial era, magbubukas lang ng internet, makakakita ka na ng trabahong bagay sa nalalaman at tinapos mo, at alam mo na rin kung magkano ang suswelduhin mo. Pati interview, hindi mo na kailangang makipagbanggaan sa traffic dahil via Skype na lang at cellphone.
ROBOTIC PROCESS AUTOMATION
Automation din ang Robotic Process Automation o RPA. Hindi ito masyadong naiintindihan ng mga taga-Generation X dahil wala nito noong 70s, 80s at 90s na nauuso pa lamang ang cellphone at ang computer ay Selectric typewriter lamang. Gamit ito sa mga software para ma-automate ang proseso ng negosyo tulad ng online selling. Gamit din ito sa pag-interpret ng applications, pagproseso ng transaksiyon, pag-analisa sa data, at kahit pa sa pag-sagot sa email, para hindi na paulit-ulit ang trabaho ng mga empleyado na binabayaran lang ng minimum. Kung automated, mababawasan na naman ang rank and file employees, at mababawasan na rin ang trabaho ng mga financial managers, duktor at CEO. Dapat siguro, maghanap na lang sila ng magandang negosyo.
Para sa IT experts, maganda ang career opportunities, pero sablay ito sa mga skilled workers. Baka isang araw, mga robot na ang makikita ninyong gumagawa ng bahay at naghahalo ng semento. Uso na kasi ang virtual reality.
AUTOMATIC COMPUTATION
Aminado ang inyong lingkod na waterloo ko ang math – kahit pa simple computation lang, pero nang mauso ang AWS (Amazon Web Services), Microsoft Azure at Google Cloud, madali lang pala. Automatic kasi ang computation, lalo sa grades ng mga estudyante. Hindi na kailangan ang calculator. Ilalagay lang ang percentage, makukuha agad ang tamang grades.
Mas malaki ang tulong nito sa ibang businesses na hindi ko na naiintindihan kaya hindi ko kayang ipaliwanag.
VIRTUAL REALITY AT AUGMENTED REALITY
Sikat na sikat na ang Virtual Reality (VR) at Augment Reality (AR) – kaya nga nagkaroon ng 2D, 3D, 4D at ngayon nga, 5D na. Gamit lang dati ang virtual reality sa movies at games pero sa ngayon, ginagamit din ito para sa training, tulad ng VirtualShip para sa mga U.S. Navy, Army and Coast Guard ship captains. Gamit din ito ng mga doktor sa pag-aaral lalo na kung bago pa lang na surgeon, tulad ng napapanood natin sa mga Korean telenovela.
Malaki ang naitutulong ng VR at AR sa mga training, entertainment, education, marketing, at kahit pa sa rehabilitation pagkatapos maaksidente. Sabi nga nila, ano pa ba ang hindi kayang ituro ni Mr. Google? Bukod dito, simple lang na kaalaman sa Basic programming ang kailangan upang mapagana ang VR at AR.
BLOCKCHAIN TECHNOLOGY
Mahirap itong ipaliwanag ng isang katulad kong hindi technology savvy. Pero sa word pa lang na “chain” madaling intindihin na ito ay paggawa ng chain of data, na hindi binabago ang datihang blocks. Sa blockchain, hindi na kailangan ang manipulator o overseer dahil automatic na ang lahat. Medyo huli na ang Filipinas sa ganitong kategorya ng technology kaya inaasahang sa mga susunod na taon, mangangailangan sa Filipinas ng maraming blockchain developer. Ang blockchain developer ay mahusay sa pag-develop at pagpapatupad ng arkitektura at sa mga solusyon. Sila rin ang nakaka-pagpabilis ng mbps ng internet. Siguradong malaki ang suweldo ng blockchain developer – mas mataas pa sa suweldo ng BPO manager. Kasi naman, gamit ang Blockchain Technology, maisasara na natin ang ating mga pinto at bintana gamit ang remote control. Kung nalimutan nating nakasaksak ang kalan at plantsa at nakaalis na tayo sa bahay, puwedeng gamitin ang cellphone para isara ito. Napaka-convenient.
Ano na ang susunod?
Kahit na ang bilis ng pag-evolve ng technology, wala naman tayong magagawa kundi ang piliting makasabay. Sa hinaharap, nakikinita nating mauubusan na tayo ng skilled workers, dahil kaunti na lang mag mag-aaral ng skills, dahil wala na rin naman silang paglalagyan, dahil robots na ang hahalili sa kanilang mga trabaho. Sa madaling sabi, nararapat na pumili ang mga bagong graduate ng Senior High School na papasok sa universities ng tamang kursong dapat aralin – ‘yung may kinalaman sa technology, na makatutulong upang magtagumpay sila sa hinaharap. Bilang Generation X, nalalabuan ako, sa totoo lang, pero ito ang buhay, at dapat nating tanggapin ang pagbabago. (Google photos)
Comments are closed.