NAGHAHANAP na naman tayo ng negosyong maliit lang ang puhunan pero kayang pakainin ang pamilya sa kikitain. Naku, napakahirap mag-isip, kaya naisipan kong buksan ang aking recipe book na ako mismo ang nagsulat, at naghanap ako ng meryendang mura lang pero masarap at cute pa. Napili ko itong tinawag kong sabah clear cake na inimbento ko lang noong panahong naghihirap pa kami ng mga anak ko.
Heto ang mga sangkap na dapat nating ihanda: isang kilo ng kamoteng kahoy, isang niyog na ginadgad, ¼ kilo ng asukal na washed, isang sachet na gatas, isang itlog, anim na piraso ng saging na saba, dahon ng saging, banana essence at tatlong kulay ng food coloring.
Sa paraan ng paghahanda, kayurin muna ng pinong-pino ang kamoteng kahoy. Siguruhing pinong-pino, at kung hindi ito masyadong pino, padaanin sa blender. Kung walang blender, okay lang. Huwag pipigain. Sayang ang sabaw. Pero kung luma, pwede ninyong pigain para makaiwas sa pagkalason.
Isama sa pinong cassava ang isang sachet ng gatas, isang itlog, asukal, ¼ tsp ng asin, tatlong patak ng banana essence at haluing mabuti. Pwedeng dagdagan ng konting tubig kung masyadong malapot, ngunit kailangang hindi umaagos o dripping.
Kapag napagsama-sama na ang lahat ng sangkap, hatiin sa apat na bahagi. Isantabi ang isang bahagi, at huwag lalagyan ng kulay. Yung tatlo pang bahagi, lagyan ng kulay. Pula, berde at dilaw ang napili kong kulay pero kayo ang bahala kung anong kulay ang gusto nyo. Napili ko lang ang mga kulay na iyon dahil malapit na ang Pasko, at festive colors ang yellow, red and green. By the way, isalab sa apoy ang dahoon ng saging upang madaling itupi.
Balatan ang saging na saba at i-layer ang apat na kulay sa dahon ng saging. Ilagay ang saging sa gitna at baluting parang suman. Pwede rin namang isang kulay lamang ang ilagay para hiwa-hiwalay.
Habang nagbabalot ay magpakulo na ng tubig. Isalansan ang mga cassava clear cake sa steamer at pasingawan ng isang oras. Madaling maluto ang cassava ngunit hindi ang saging kaya isang oras ito dapat pakuluan.
Mas malaki ito sa karaniwang suman kaya dapat lamang na hati-hatiin ito bago i-serve na kasama ang bagong kayod na niyog.
Sa gastos, P20 ang isang kilo ng kamoteng kahoy, P25 ang isang niyog, 10 ang ¼ kilo ng asukal na washed, P9 ang isang sachet ng gatas, P6 ang isang itlog, P24 ang 12 piraso ng saging na saba, P5 ang dahon ng saging, at ilagay natin sa P5 ang banana essence at tatlong kulay ng food coloring.
Bawat suman ay mahahati sa anim na maibebenta ng P5 isa. Lumalabas na meron tayong 60 piraso o higit pa na kung maibebenta ay aabot sa P300. Sa gastos naman, abot lamang ng P104 kaya kikita tayo ng P196. Hayan, may pambili na kayo ng bigas at ulam. – NV
484681 685028really like your imagination!!!! excellent work!! oh yeah.. cool photography too. 698781
I’ve been searching for hours on this topic and finally found your post. slotsite, I have read your post and I am very impressed. We prefer your opinion and will visit this site frequently to refer to your opinion. When would you like to visit my site? ttt
51880 391165I believe other site owners should take this site as an model, very clean and fantastic user pleasant pattern . 332851