IGINIIT ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na normal at walang iregularidad sa ginawa nilang pagbola sa lotto nitong Sabado.
Ayon kay PCSO general manager Melquiades Robles, karamihan ng mga nanalong mananaya ay kumapit lamang sa numerong 9 na siyang itinuturing na lucky number.
Dagdag pa ng PCSO, bago pa mag-Sabado ay marami nang mananaya ang pumwesto ng kani-kanilang mga numero na pawang mayroong numerong ‘9’ o multiples nito.
Sinang-ayunan naman ito ni OCTA research fellow Guido David na aniya’y 1 out of 30 ang posibilidad na makatama ng anim na numero sa 55 na numero.
Ngunit duda si David hinggil sa mahigit 400 nanalo dahil napakaliit na probabilidad na may 400 na manalo nang sabay-sabay.
Matatandaang nauna nang pinuna ni Senate minority leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang naturang iregularidad at hiniling na paimbestigahan ito. Hannah Oledan- DWIZ882