(“Sabay-sabay nating labanan ang COVID”) HUWAG KAYONG MATAKOT-DUTERTE

duterte

PINAYAPA  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease  at sa halip ay hinimok nito ang lahat na labanan ang COVID.

“Huwag kayong matakot nandito ang gobyerno ninyo para kayo pagsilbihan, at totoong pagsilbihan. Gagawin namin ang lahat, hindi namin kayo pababayaan,” ang pahayag ng Pangulo Martes ng gabi,  ilang oras  matapos na aprubahan ng Kongreso ang pagkakaloob dito ng  dagdag na kapangyarihan  upang tugunan ang COVID-19 crisis.

“Kaya stay home, ‘wag matigas ang ulo,” pahayag pa ng Pangulo kaugnay sa pinaiiral na enhanced community quarantine.

“Sabay-sabay nating labanan ang COVID para sa kabutihan ng lahat,” kasabay ng kanyang pahayag sa buong sambayanan na walang maii-wan.

Matindi umano ang kalaban pero hindi dapat sumuko. “Hindi madali pero tayong mga Pilipino (sic) ay malakas sa anumang hamon, kailangan lamang ay gawin ang dapat na gawin para sa bayan.

Tiniyak din ng Pangulo ang  mabilis na paghahatid ng medical equipments at hindi dapat mag-aksaya ng oras. Nagbanta rin ito na hindi dapat pairalin ang red tape. Kapag  dumating ang papel ay kailangang agad na iproseso.

Dakong alas-3 ng madaling araw ng Lunes nang aprubahan  ang pagbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa Pangulo.

Bumotong pabor ang 12 senador na dumalo sa special session na kinabibilangan nina Senate President Vicente Tito Sotto III, Senate President Pro-tempore Ralph Recto, Senators Win Gatchalian, Pia Cayetano, Lito Lapid, Panfilo Lacson,  Richard Gordon, Grace Poe,  Ramon ‘Bong’ Revilla Jr .,  Manny Pacquioa, Christopher ‘Bong’ Go at Francis Tolentino.

Sumali sa talakayan  sa pamamagitan ng phonepatch ang mga senador na naka- home quarantine na sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Sonny Angara,  Joel Villanueva,  Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Francis  Pangilinan, Nancy Binay, Risa Hontiveros at Cynthia Villar.

Lumusot sa ikatlong pagbasa ng Senado ang Senate Bill (SB) No. 1418, ang substitution bill para sa SB 1413 na magbibigay ng dagdag kapangyarihan kay Pangulong Duterte upang mai-reaalign ang budget na gagamitin sa paglaban sa COVID-19.

Kabilang sa naipasa ng Senado ang pagkakaloob ng halagang P100,000 sa mga health worker na nahawaan ng COVID-19 dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin gayundin ang  cash assistance na tig-P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan  sa 18 milyon pamilya na low income earners  sakaling magtuloy-tuloy ang krisis.

Maging sa hanay ng House of Representatives, nailusot na rin ang pagbibigay ng dagdag kapangyarihan kay Pangulong Duterte.

Hindi na magkakaroon ng bicam dahil in-adopt na ng Kamara ang version ng Senado kung saan posibleng lagdaan ito agad ng Pangulong Duterte. E QUIROZ, VICKY CERVALES

Comments are closed.