SABLAY NA CONTRACTORS IBA-BLACKLIST

DPWH Secretary Mark Villar

NAGBABALA si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na hindi siya mangingiming ilagay agad sa ‘blacklist’ ang mga  kontratista na mabibigong tuparin ang kanilang responsibilidad sa anumang infrastructure project na nai-award sa kanila.

Kasabay nito, binigyan-diin ng kalihim na ang P534 billion na hini­hinging budget ng DPWH para sa susunod na taon ay hindi maglalaman ng pork barrel at maging ng ‘par­king’  funds para sa sinumang senador, kongresista o secretary.

“We have shifted to the line item budgeting so there is no pork barrel.  The President will not tolerate (pork barrel). That is why we have been doing this, everything has gone through a vigorous process of vetting and rest assured, Mr. Speaker, Mr. Chairman, there’s none,” ang naging tugon ni Villar nang tanungin ni Speaker Alan Peter Cayetano sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kamakalawa.

Maging ang kontrobersiyal na ‘parking’ ng pondo ay mariin ding itinanggi ng DPWH secretary sa pagsasabing hindi nila pinapayagan sa kanilang kagawaran ang gawaing ito lalo’t mahigpit ang ipinatutupad nilang reporma para matuldukan ang katiwalian, lalo na sa pagpapatupad nila ng infrastructure projects.

“There’s no such practice on this budget and this admin. We have made sure that it has not occurred. At the same time, at the instruction of our president, we have created a lot of reforms in order to reduce corruption. In fact, we have already implemented software in the whole DPWH. We monitor projects through systematic applications we call the PCMAs,” giit ni Villar.

Sa ilalim ng Project and Contract Management Procedures and Application (PCMA), ipinagmalaki niya na may ‘real time’ monitoring system ang DPWH para malaman ang estado ng bawat proyekto na kanilang ipinagagawa sa kontratista.

Magmula nang gamitin ang nasabing sistema o sa loob lamang ng tatlong taon, umaabot na ngayon sa 18 sablay na contractors ang nai-blacklist ni Villar, na siyang pinakamaraming bilang sa kasaysayan ng DPWH.

Tiniyak ng kalihim na lalo pa nilang tututukan ang iba pang contractors kung saan hindi, aniya, siya mangingiming i-blacklist din ang iba pa sakaling mapatunayang may kapalpakan o sangkot sila sa katiwalian.

“Realizing that we will continue… we still have a lot to do. But we’re confident that with the support of the President, the political will of the President, we will continue to professionalize and improve the performance of this department,” dagdag pa niya.

Samantala, pinasalamatan ni Speaker Cayetano ang kalihim sa pagsisiguro nito na may pantay na pondong mailalaan sa lahat ng bahagi ng bansa at hindi lamang nakatuon o papabor sa highly urbanized cities sa ilalim ng 2020 budget ng DPWH.

Ito’y matapos na ihayag ni Villar na ang DPWH ay magbubuhos ng mas malaking pondo sa infra projects sa Mindanao bilang bahagi ng layuning tugunan ang matagal nang panawagan na magkaroon ng kaunlaran sa naturang rehiyon.

“I can categorically say that this department and government have  endeavored to make sure that the progress is evenly distributed. In fact, in this year’s budget, Mindanao, base of course of large population and large land area it’s been allocated at large, in fact the highest amount in infrastructure. It’s really balanced based on the need. In fact, most of the biggest ticket projects are in the provincial ­areas,” dagdag pa ni Villar. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.