MAGIGING sentro ng talakayan sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ang dalawang unconventional sports — sabong at indigenous games — sa unang session nito ngayong buwan sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Tatalakayin ni Philippine sports commissioner Bong Coo ang Ifugao Laro ng Lahi-Indigenous People’s games na gaganapin sa weekend sa Ifugao Province. Samantala, tatalakayin ni dating Philippine Basketball League (PBL) commissioner at broadcaster Chino Trinidad ang sabong na itinuturing na oldest sport at passion ng mga Pilipino.
Magsisimula ang session sa alas-10:30 ng umaga.
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.