(PART 2)
HINDI ko matanto na kung talagang mangyayari na tuluyan nang ipagbawal ang sabong sa ating bansa tulad ng nangyari sa Amerika, Europa at Gitnang Silangan malamang na lilikha ito ng kaguluhan.
Naalala ko noong may panukala na naglalayong gawing isang krimen ang ano mang uri ng labanan gamit ang iba’t ibang hayop o ANIMAL FIGHTING, naging mabigat ang usapin tungkol dito at marami ang nabahala, lalo na ang industriya ng pagmamanok dahil sakaling ito ay pumasa, malamang na milyon- milyong mga kababayan natin ang mawawalan ng matino at malinis na hanapbuhay at pagkakakitaan.
Sa likod ng dalawang naglalabang manok ay tulad ng isang TIP OF THE ICEBERG na nakikita lamang natin ang dulo subalit ang kabuuan ay tunay namang kamangha-mangha. Mahirap arukin subalit sa aking pananaliksik at pakikipanayam sa mga sabungero at iba’t ibang negosyong nakikinabang dito, walang kaduda-dudang isang malaking dagok ito sa ekonomiya ng ating bansa kung sakaling mawala. Base sa talaan ay ‘di hamak na mas malaki ang manok panabong sa pinagsamang broiler at layer industry. Ang halagang ginugugol ng mga Filipino sa sabong lamang ay umaabot na sa humigit kumulang na 50 BILYONG piso kada taon. Sa patuka pa lamang, mga gamot at suplemento, bakuna, tari at tari accessories, incubators, generators, construction materials at marami pang iba ang magsisilbing malinaw na dahilan na dapat nating ipagtanggol at ipaglaban ang kulturang ito na minana pa natin sa ating mga niniuno.
“To stop cockfighting in the Philippines is like putting to death a culture and an industry that is unique only to the Filipinos, Cockfighting among other animal sports is considered as the bailiwick of Filipinos and the MECCA of gamefowl breeding in the world. Other than this, It is the only country in the world that promotes the biggest STAG FIGHTING tournament where more than 7,000 entries fight it out for the crown. This is the only derby of its magnitude that can be included in the GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS,” ang mga kataga pong ito ay galing kay Ray Alexander, isa sa mga kinikilalang alamat sa sabong.
Hindi ko makalimutan ang kanyang mga sinabing, “If they succeed in their plan to stop cockfighting in the Philippines and knowing the Filipinos passion for the sport, I have no doubt that a REVOLUTION and PEOPLE POWER will settle the issue.” Ang inyong lingkod ay malamang isa sa mga mangungunang ipaglaban ang libangang ito at umasa po kayong lalo nating paiigtingin at bibigyan ng makabuluhang impormasyon ang bayang sabungero sa mga mahahalagang nangyayari sa mundo ng sabong.
Hindi po maikakaila na maraming kritiko ang bumabatikos sa sabong subalit ang kailangan lamang nating mga sabungero ay respeto, pang-unawa at pagtanggap na ang libangang ito ay minana pa natin sa ating mga ninuno. Sa Amerika noong unang panahon, ang sabong ay isang libangan na parte na ng bawat magsasakang sabungero na ang tanging libangan ay maglaban ng manok tuwing Linggo sa oras ng kanilang pahinga. Halos ilang siglo na ang lumipas at dahil na rin sa paniniwalang taliwas sa paniwala ng ANIMAL RIGHTS ACTIVISTS ay unti-unting naibaling sa mga tao na ang isport na sabong ay karumal-dumal, kalupitan sa hayop at karamihan ng sumasali rito ay walang pinag-aralan o mababa ang antas sa lipunan. Palagi ko pong binabalikan ang katagang, “Ang hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan ay hindi makararating sa kanyang paroroonan.” Mga kasabihang angkop sa bansang Amerika na malamang ay nakalimutan na ang magandang kontribusyon ng industriya ng sabong sa kanilang bansa. Sa susunod na Linggo po ay tatalakayin natin ang mayamang kasaysayan ng sabong sa Amerika daang taon na ang lumipas.
Comments are closed.