SABONG IPAGBABAWAL NA NGA BA?

PUSONG SABUNGERO

(PART 6)

NAALALA ko noong pumupunta pa rito  sa ating bansa si Bobby Jones, isang kinikilalang breeder sa America nang sabihin niya sa akin na mag-ingat sa mga grupong nagpapanggap na mga mahilig sa manok at kukuha ng mga impormasyon tungkol sa sabong at kukuha ng mga videos at photos na sa kalaunan ay gagamitin nilang propaganda laban sa sabong.

Ako po ay saksi sa isang nangyari noon sa harapan mismo ng ARANETA COLISEUM nang bigla na lamang nagsulputan ang mga grupo ng ani-mal rights movement upang magprotesta at ipatigil ang World Slasher Cup. Sinisigaw nilang itigil ang sabong at sinasabing, “cruelty to animals has no place in a civilized world!!!” Mabilis na napigilan ang malamang nauwi  sa isang kaguluhan nang dumating ang mga pulis at security ng Araneta Colise-um.

Pagkalipas lamang ng ilang minuto, labas na sa balita, internet sa buong mundo ang kaganapan at ipinakita roon ang ginawang protesta habang nasa video ang pagtatari at laban sa ruweda ng Araneta ng iba’t ibang lahi ng manok panabong sabay ng mga sigawan at palakpakan ng mga sabu­ngero. Habang binabanggit  na tayo ay giliw na giliw sa nakikitang para sa kanila ay madugo at malupit na labanan ng dalawang manok panabong.

Lubhang magaling ang grupong ito at sa ­aking pananaliksik ay daan-daang milyong dolyar ang kanilang pondo na nakalap sa mga mil­yonaryong artista, politiko, businessman at mga mayayamang walang anak kundi ang kanilang mga hayop. Marami po rito na sa oras na sila ay tumanda na ay gumagawa ng kasulatan na lahat ng kanilang kayamanan ay ipamamana  sa kanilang alagang aso o pusa at iba pang mga hayop. Hindi kapani-paniwala subalit totoo po ito at kung ano mang halaga ang makalap ay pumapasok sa pondo ng Human Society, Protection for the Ethical treatment of Animals o PETA, Animal Rights Movement, at marami pang iba.

Sa America at Europe ay napakalakas ng grupong ito at  kaya nilang magluklok sa puwesto  kung sino man ang susuporta sa kanila at kung ang isang politiko naman ay magpapakita ng suporta sa animal sport,  malamang matalo ito sa eleksiyon. Kabaligtaran sa ating bansa dahil ang pagiging sabungero kadalasan ay nagbibigay ng magandang boto sa mga politiko dahil sa dami ng mga Filipinong  mahilig dito.

Palaging kataga na maririnig mo sa mga labi ng mga sabu­ngerong  Amerikano noon tuwing sila ay tatanungin na kung sakaling ipagbawal ang sab-ong ano ang ­mangyayari? Halos lahat po sila ang sagot noon ay hindi mangyayari, mala­king gulo at malamang magrebolusyon ang mga katagang pala-ban su­balit nang unti-unti ay kumilos na ang Animal Rights Movement ay  parang domino ang bawat estado sa America na paisa-isang tumumba sa ginawang hakbang ng grupong ito na tuluyan nang itigil ang sabong sa America.

Naging matagumpay ang kanilang pakikipaglaban habang nagwagayway ng puting bandera at sumuko ang mga sabungero roon. Masakit na tinang-gap na lamang ang masaklap nilang sinapit sa grupong ito.

Naniniwala ako sa babala ng mga Kano na dapat ay sensitibo tayo at mapanuri sa mga ikinikilos ng mga grupong pinipilit tayong pasukin at ipatigil ang sabong sa ­ating bansa. Noong una ay sinabi kong hindi sila magtatagumpay su­balit  ngayon ay may pangamba na rin ako dahil kung ito ay nang-yari sa bansang America at Europa ay ‘di malayong mangyari rin ito sa Filipinas.

Sa ngayon ay isa sa iilan na lamang ang ­Filipinas sa mga bansang malayang nakakapagsabong. Sa susunod na Linggo ay pag-­uusapan  natin ang mga ginagawang ­programa at hakbang ng bayang sabu­ngero upang ipaglaban ang kulturang ating nakagisnan laban sa mga grupong pini­pilit na tayo ay maniwala at sumunod sa kanilang bawat ididikta sa atin.

Comments are closed.