SABONG IPAGBABAWAL NA NGA BA?

PUSONG SABUNGERO

(Huling Yugto)

MARAMI nang pagtatalo at minsan ay marahas ang kinahihinatnan tungkol sa usaping ipagbawal ang sabong sa buong mundo. Isang ad-hikain ng Animal Rights Movement na naniniwalang ano mang nilalang na may buhay ay may karapatan.

Kanya-kanyang paniniwala  at pakiki­paglaban subalit sa huli ay dapat lamang natin isaisip at isapuso na ang kailangan ng bawat isa ay pagkilala at respeto sa kultura at paniniwala ng bawat bansa. Do WHEN YOU ARE IN ROME, DO WHAT THE ROMANS DO, ika nga, mga katagang nagsasa-bi na igalang natin ang kultura ng bansa o lugar kung saan tayo naroroon.

Naalala ko nang ­aking makausap ang aking pinsan na mambabatas o member ng House  of Representative sa Hawaii, si Lynn Berbano Finnegan, nang sabihin niya sa akin nang pumunta siya sa India at may naobserbahan siyang kakaibang paniniwala at tradisyon na kanilang sinusunod nang ma-higpit kahit na sa kanyang pakiwari ay ito ay hindi tama at taliwas sa  moralidad at pananampalataya.

Ang tugon niya sa akin ay dapat munang malalim na maintindihan kung bakit ginagawa nila ang mga tradisyon na ‘yun at ilagay natin ang ating sarili sa kanila.

Tulad ng sabong nang aking tanungin si Lynn, sinabi niyang ang bawat isa ay may kalayaang maging masaya sa kanyang buhay hanggang ito ay ayon sa kabutihang asal at ma­linaw na walang nilalabag sa batas.

Sa akin pong pananaw na kung sakaling IPAGBABAWAL NA ANG SABONG SA ­ATING BANSA, ako po ay naniniwalang ­maaaring  mangyari ito tulad ng nangyari sa bansang AMERIKA, EUROPA at MIDDLE EAST kung hindi po tayo magkakaisa at magpapabaya dahil kadalasan po ay ito ang parating sinasabi ng karamihan noon subalit unti-unti ay nagwagi ang grupong ito upang tuluyan nang ipatigil ang sabong sa mga bansang ito.

Noong unang panahon na ito po ay kinahuhumalingan ng mga lider ng bansa, mga hari at mga kinikilalang tao, malabong mangyari ito subalit nang nabago na ang takbo ng mundo at ang mga bansang mayayaman o First World countries ay namayagpag, dito sumibol ang poder at pu­wersa  ng mga grupong tulad ng Humane ­Society, Protection for the Ethical Treatment of Animals o PETA, PAWS at iba pa. Napakalaki ng kanilang pondo upang ipanlaban sa ating mga sabungero. Kung nag­wagi sila sa mga bansang tulad ng nabanggit ko sa kolum kong ito, maaaring  maging matagumpay sila pagdating ng panahon dito sa Filipinas.

Hindi maikakaila na ang Filipinas ngayon ang tinagurinag MECCA OF GAMEFOWL BREEDING, tayo na ang pinakamalaki at malayang nag-eenjoy sa isport na ito na tanggap ng buong sambayanan. Nasa atin na rin po marahil ang pinakamaraming manok pansabong na makikita mo, HERE, THERE and EVERYWHERE. Kahit saang sulok ng Pinas ay may sabungan at palagi nga akong nagbibiro na mas marami pa ang sabungan ngayon sa ating bansa kaysa simbahan. Tinatayang isang mil­yong manok ang nailalaban sa mga sabungan at humigit  kumulang sa 30 milyon ang populasyon ng manok panabong na patuloy pa ring lumalago kada taon.

Taas-noo ko pong  ipinagmamalski na ang sabong ay isang mahalagang parte ng buhay na bawat Filipino. Ito po ay nagbibigay ng disenteng  kabuhayan sa milyon-milyong Filipino at malaki ang naitutulong nito sa pagsulong ng ekonomiya ng ating bansa. Kahit ano ang sabihin sa aking pananaw, totoo pong hindi imposible na ipagbawal ang sabong subalit marahil ay ito po ang magiging isang dahilan ng pagkakawatak-watak ng ating bansa.

Ang mga sabungero po ay marangal na mga tao at may isang salita, mapagmahal sa pamilya at mabubuting tao ang karamihan. Sa mga hindi nai-intindihan ang sabong, mahirap pong maarok ang aking sinusulat dito subalit sa mga nakakaintindi ng isport na ito, maraming salamat po at kayo ay katuwang namin kung sakali mang may magdidikta sa ating ipatigil ang sabong. Mahabang panahon ang bibilangin, NOT IN OUR LIFETIME, sabi nga, su­balit iisa lang ang aming sigaw, hanggang may dalawang manok na nagsasabong hinding-hindi mapipigilan ang hilig at pagkahumaling ng mga Filipino sa isport na ito. Tulad ng aming mga manok, lalaban at lalaban hanggang may hininga at hanggang sa huling patak ng ating dugo.

Legal man o ilegal ang sabong…

 

Comments are closed.