SINISIYASAT na ng Department of Agriculture (DA) ang pinaniniwalaang sabwatan sa pagitan ng ilang opisyal ng ahensiya at importers ng karne na walang permit.
Ayon kay DA Secretary William Dar, mayroong mga pagkakataon na may mga nakukumpiskang ibinibiyaheng karne na walang veterinary health certificate.
Matatandaan na may ilang tonelada ng ilang naipuslit na karne ang kinumpiska ng National Meat Inspection Service sa Maynila na sinasabi na nanggaling pa sa China at Brazil.
Nauna rito, sinabi ng opisyal noong kakaupo pa lamang nito sa kanyang puwesto na magpapatupad ito ng one-strike policy sa mga opisyales at empleyado ng kagawaran na madadawit sa ilegal na droga at kahit anong klase ng katiwalian o anomalya. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.