SAF 44 HEROES GUGUNITAIN

SAF44

MAGUINDANAO – SABAY na gugunitain ngayong araw sa lalawigang ito at sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Pangungunahan ni PNP Chief, DG Oscar Albayalde ang seremonya na tinawag na Day of National Remembrance for the SAF 44 para sa kabayanihan ng 44 mi­yembro ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na napaslang ng mga rebeldeng moro sa ilalim ng operasyong tinawag na Oplan Exodus na tinawag ding Oplan Wolverine upang i-neutralisa ang Malaysia bomber na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan.

Ngayong araw ang ika-4 na taon nang Maganap ang karima-rimarim na pagmasaker sa 44 police commando na inabangan ng miyembro ng Bansamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at umano’y breakaway member ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Tukanalipao, Mamasapano.

Matagumpay na naisagawa ng SAF members ang pagpaslang kay Marwan na isang bomb expert subalit pabalik ay inabangan ng mga rebelde at kahit tinamaan na ang mga SAF member ay brutal na pinagbabaril ang mga ito.

Ang pangyayari ay umagaw sa atensiyon ng international community hinggil sa matagumpay na pagkuha sa labi ni Marwan gayundin sa sinapit ng 44 SAF members.

Sa pangyayari, kini­lala ang kadakilaan ng police commando kaya itinuturing na ang pangyayari ang susi upang makilala ng lipunan ang function ng SAF na unang inakala ay mga sundalo.

Samantala sa Ma­guin­danao ay inilabas na kahapon ang  invitation para sa paggunita sa pangungunahan ni Chief Supt. Graciano J. Mijares, regional director ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao ala-8 ng umaga sa harap ng monument ni BGen. Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao.

Magkakaroon din ng pag-aalay ng bulaklak para sa mga namayapang bayaning SAF heroes. EUNICE C. 

Comments are closed.