(Safe streets, drug free at proteksyon sa maralita atas ni PBBM) INTEL COP ACORDA BAGONG PNP CHIEF

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-29 hepe ng Philippine National Police (PNP) sa katauhan ni Maj. Gen Benjamin C. Acorda Jr.

Si Acorda na kababayan ni PBBM sa Ilocos Norte ay produkto ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1992.

Ang kanyang ama ay si Atty. Benjamin Acorda. Sr. na naging Air Force personnel at naging abogado na taga-La Union, na nagbigay ng free legal assistance sa maralita, habang ang kanyang ina ay si Purificacion Afaga, isang nurse.

Bago maging top cop ng Pilipinas, pinakahuling posisyon ni Acorda ay sa Directorate for Intelligence.
Isa ring decorated officer si Acorda at kabilang ang director ng Palawan Police Office at iba pang bayan bilang police chief at pinuno ng CIDG PRO4B, naging Deputy Director for Administration sa National Capital Region Police Office.

DO THE RIGHT THING
Sa kanyang pag-upo, kabilang sa marching order nitonsa mahigit 228,000 tauhan ng PNP na laging gawin ang tama, kasuklaman ang kasamaan at labanan ang mga kriminal.

VANGUARD OF PEACE
“To the men and women of the PNP, I challenge you to always do the right thing. Let us hate crime and fight criminals,” ayon kay Acorda.
Sa kanyang speech, nangako siya kay PBBM na babantayan ang bansa para matiyak ang kapayapaan sa komunidad.

“We under your administration will be vanguards of peace to ensure a safe and economically stable community. We shall be steadfast in providing better police service,” pagtiyak ni Acorda sa Pangulong Marcos na nagbilin na dapat ay maproteksyonan ang sambayanang Pilipino lalo na ang mahihirap at mahina.

TULOY ANG INTERNAL CLEASING AT CRIME-FREE PHL
Tiniyak din ni Acorda kay Retired PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. Na ipagpapatuloy niya ang internal cleansing sa organizasyon.

“Gen. Rodolfo Azurin Jr., sir thank you for the wisdom and exceptional legacy you have imparted in the organization. Rest assured sir that I will continue your advocacy in cleansing the PNP.”

Habang nangako ang bagong PNP Chief kay Interior Secretary Benhur Abalos na katuwang ang PNP para sa crime-free Philippines.

“Under my leadership, we will be your partner in ensuring a secure, peaceful and crime-free community,” pagtitiyak niya kay Secretary Abalos.

PARTNER NG MEDIA
May apela naman si Acorda sa media at ito ay kooperasyon at magtrabaho ng iisang direksyon.

“ We welcome critics as our independent source of check and balance. We are allies in bringing out the truth. We need your support to inform the public of our endeavors for peace and order. We will be transparent. I am soliciting the support of everyone for I cannot do it alone. I ask for your cooperation, your support and your commitment.

Together we will overcome the challenges the organization is facing. Together, we will prove that the PNP serves with dignity and professionalism,” bahagi mg assumption speech ni Acorda.

Samantala, kabilang naman sa marching order ni PBBM kay Acorda ay tiyakin ang safe streets, labanan ang droga, pagkakaisa sa organisasyon at proteksyonan ang urban poor.
EUNICE CELARIO