SAFE STREETS, TOURIST SPOTS TINIYAK NG PNP

UMAKSYON na ang Philippine National Police (PNP) sa atas ni Pangulong Bongbong Marcos na tiyakin ang kaligtasan sa mga kalsada lalo na sa tourist spots laban sa mga masasamang loob gaya ng snatchers, holdapers, kidnappers at iba pang criminal activities.

Sinabi ni PNP Director for Operations, Maj. Gen. Valeriano De Leon, sa direktiba ni PNP Officer In Charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr. inatasan na ang lahat ng police commanders na magdagdag ng deployment sa mga kalsada at tourist spots.

Nanawagan naman si De Leon sa publiko na huwag mangamba kung makikitang maraming pulis sa mga kalsada dahil ang ginagawa lamang nito ay pagbibigay ng proteksyon laban sa mga kriminal.

Ito aniya ay dagliang pagtalima nila sa utos ni PBBM para matiyak na ligtas ang foreign at local tourists na nasa bansa.

“We understand the logic behind the order of our Commander-In-Chief, President Marcos to ensure that all areas in the country , especially tourist spots, are safe because tourism plays a big part in the economic recovery plan of the new administration,” ayon kay De Leon.

Kabilang naman sa isinasagawa ngayon ng mga komander ay ang pagkakaroon ng regular update crime mapping sa kanilang nasasakupan.

Kasama na rin ang intelligence gathering para matukoy ang criminal elements at mga threat group sa iba’t ibang rehiyon.

Dagdag pa ni De Leon na kapag ang isang bansa ay sigurado ang kaligtasan, marami ang bibisita mula sa ibang bansa na magdudulot ng masiglang turismo o kaya naman ay maglagak ng Negosyo na magbibigay ng trabaho at pagpapaunlad sa ekonomiya. EUNICE CELARIO