SAFE ZONES SA MALDIVES ITATATAG

MALDIVES

NAKATAKDANG  magtatag ng safe zones  para sa mga  swimmer  sa bawat isla ang mga awtoridad sa Maldives  makaraan ang pagkalunod ng mag-asawang Pinoy na nag-snorkel sa nasabing lugar.

Pahayag ito ni Maldives Tourism Minister Ali Waheed,  na iniulat  ng  Sun Online.

Magtutulong  ang lahat  ng mga awtoridad  at island council  upang matiyak na ang Maldives  ay  manatiliing ligtas na travel destination.

Sikat ang Maldives na nasa Indian Ocean  sa pu­ting  buhangin nito at luxury resorts. Paborito itong puntahan ng mga honey-mooner.

Matatandaang nalunod ang  bagong kasal na  sina  Leomer at Erika Joyce Lagradilla,  nurse at OFW  habang nag-i-snorkel sa Dhiffushi Island sa Maldives noong nakaraang linggo.

Ikinasal ang mag-asawa na nakabase sa Singapore at Riyadh, noong Disyembre.

Sinagot naman ng Maldives Ministry of Tourism ang  pagpapauwi  sa mga labi ng mag-asawa.  NENET VILLAFANIA

Comments are closed.